^

PSN Opinyon

Editoryal – Maging alerto sa lahat ng oras

-
WALANG makapipigil sa mga Pinoy sa paggunita sa kaluluwa ng kanilang mga yumao. Kahit na sabihin pang sunud-sunod na ang nangyaring pambobomba at patuloy pa rin ang mga bomb threat, hindi ito magiging hadlang para hindi dagsain ang mga sementeryo ngayong araw na ito. Kamakalawa pa nagsisikip ang trapiko dahil sa pagdagsa ng mga tao sa kani-kanilang probinsiya. Kahapon ay tambak ang mga pasahero sa bus terminals at ganoon din sa airport. At hindi lamang ang mga lansangan sa Metro Manila ang sumikip kundi pati sa North at Luzon Expressways dahil sa pagkukumahog ng mga uuwi.

Ang pagiging alerto ngayong araw na ito ay hindi dapat alisin ng bawat isa habang ginugunita ang kaluluwa ng kanilang mga yumao. Ang mga teroristang uhaw sa dugo ng kanilang kapwa ay maaaring sumalakay sa katindihan ng pagseselebra ngayong araw na ito. Maaari silang maghasik ng lagim habang marami ang nagsasaya sa loob ng sementeryo. Lalo na nga’t ngayo’y mistulang nagiging picnic na ang sementeryo, may kainan, inuman ng alak, walang patumanggang pagpapatugtog na parang nasa disco at kung anu-ano pang paraan ng pagsasaya. Ang ganitong tanawin ay maaaring samantalahin ng mga terorista at sa iglap, bung! Sa dami ng tao sa sementeryo gaano karaming inosenteng sibilyan ang mamamatay kapag hindi naging alerto ang lahat.

Ang pagsabog ng isang pampasaherong bus sa Balintawak noong October 18 na ikinamatay ng dalawang tao at pagkakasugat nang maraming iba pa ay hindi dapat kalimutan. Gaano karami na rin ang namatay sa pambobomba sa Zamboanga at iba pang lugar sa Mindanao. Sino ang makalilimot sa Dec. 30, 2000 bombing na marami rin ang namatay?

Hindi titigil ang mga terorista sa pagsasabog ng lagim. Ang mga nangyaring pagsabog ay pasimula lamang at ngayong araw na ito, kasabay sa paggunita sa kaluluwa ng mga yumao, kinakailangang maging matalas at alerto sa lahat ng oras. Nasa paligid lamang ang mga uhaw sa dugo at naghihintay ng pagkakataon. Maging mapagmatyag at maki-cooperate sa mga pulis. Ipagbigay-alam sa mga pulis ang mga napapansing kahina-hinalang mga tao sa loob ng sementeryo. Ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad ay isang hakbang para madurog ang terorismo.

BALINTAWAK

GAANO

IPAGBIGAY

KAHAPON

KAHIT

KAMAKALAWA

LUZON EXPRESSWAYS

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with