Ayon sa aking bubuwit, 55 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Tiya Dely Magpayo ng DZRH; Bro. Angel Sarangaya ng Cagayan Valley Lodge; Bro. Bogs Batoon, Engr. Adlai Cabuyadao ng DPWH; Irving Lisondra at Engr. Ronnel Tan.
Naku, bubuhayin kaya ang mga naunang akusasyon noon ni dating President Erap Estrada ukol sa mga Hoodlums in Robes?
Ayon sa aking bubuwit mula sa House of Representatives, isang kongresista mula sa isang political party na miyembro ng People Power Coalition (PPC) ang naghahanda ng impeachment complaint laban sa ilang justices.
Sinu-sino kaya ang mga kakasuhan dito?
Ang hakbang para mapatalsik sa tungkulin ang ilang justices ng Supreme Court ay pakana diumano ng ilang maimpluwensiyang negosyante at ilang pulitiko.
Ito ay merong kinalaman sa mga kontrobersiyal na kasong nakarating din sa Supreme Court.
Ang pangalawang impeachment ay ihaharap naman ng isang kontrobersiyal na kongresista na may naka-pending na kaso sa Supreme Court.
Ito ay may kinalaman naman sa isang extradition case.
Ayon sa aking bubuwit, ang kongresista ay magbubulgar diumano ng malaking anomalya na kinasasangkutan ng ilang justices.
Ito naman ang magpapatibay sa unang complaint na isasampa ng isa pang kongresista na miyembro ng PPC.
Ang hakbang para patalsikin ang ilang justices ng Supreme Court ay hindi muna maisagawa ng ilang kongresista dahil sa kasalukuyang volatile situation.
Nangangamba rin sila na kapag nasira na ang kredibilidad ng Supreme Court, ang tinaguriang "last bastion of democracy" ay baka may magsamantala sa sitwasyon.
Pero ang tanong, sino kaya ang mga justices ng Supreme Court na sasampahan ng impeachment complaint dahil sa katiwalian?
Abangan ang susunod na kabanata.