^

PSN Opinyon

Ang mga mayayabang sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ISA sa mga pinakasikat at nakatutuwang libangan sa baryo ay ang payabangan. Pataasan ng ihi. Karaniwang ginagawa ang payabangan sa harap ng tindahan. Nakaumpok ang maraming tao.

Unang nagyabang ang isang lalaki. "Masyadong malaki ang mansiyon ng ninong ko, inabot ako ng isang araw para mapuntahan ang mga kuwarto."

"Wala iyan," sabi ng isang lalaki. "Ang tiyuhin ko ay nagpunta ng Saudi Arabia at binisita ang palasyo ng prinsipe. Lumipas pa ang isang linggo bago niya nakita ang lahat ng mga kuwarto."

Sumabad ang ikatlong lalaki, "Wala iyan. Pumasok ang tiyuhin ko sa isang gusali na sa sobrang laki, inabot siya ng 25 taon bago nakalabas."

"Saang lugar ’yon?" tanong ng unang lalaki.

"Sa Muntinlupa. Bilanggo ang tiyo ko."

Umusbong ang tawanan.

Patuloy ang yabangan. Isang lalaki uli ang nagsalita, "Ang tiyuhin ko ay isang salesman. Nagbenta siya ng telebisyon at nakakuha siya ng P100 sa negosasyon."

Sumagot ang ikalawa, "Wala ’yan. Ang tiyuhin ko ay isang abogado at sa ilang minuto na payo, kumita siya ng P1,000."

"Lalong wala ’yan. Ang tiyuhin ko ay pastor sa isang simbahan. Nakakakuha siya ng sobrang dami ng pera tuwing Linggo kaya’t kailangan ng walong tao para kolektahin ang mga ito."

vuukle comment

BILANGGO

ISANG

KARANIWANG

LALONG

LINGGO

LUMIPAS

SA MUNTINLUPA

SAUDI ARABIA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with