^

PSN Opinyon

Classmate, puwedeng umorder ng putaheng babae

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ANG akala ng marami ay wholesome entertainment ang panghatak ng customer nitong Classmate nightclub sa Quezon City pero hindi pala. Sinabi ng mga pulis na nakausap ko, itong Classmate pala na pag-aari ng isang nagngangalang Leo Ting ay pugad ng prostitusyon. Ang ipinagtataka lang ng mga pulis, itong Classmate ay halos ilang dipa lang ang layo sa opisina nina Interior Secretary Joey Lina at Metro Manila police chief Deputy Director General Reynaldo Velasco pero wala silang nagawa para mapatigil ang operasyon nito. Dahil kaya sa maraming padrino si Ting?

Ayon sa mga customer na nakausap ko, talagang walang bold sa mga babaing sumasayaw sa entablado ng Classmate gabi-gabi dahil ang prostitution ay nangyayari sa mga cubicle. Ang sistema ni Ting ay ganito para maitago sa awtoridad ang prostitution racket niya. Para makakuha ka ng babae, ang dapat lang gawin ng customer ng Classmate na matatagpuan sa Quezon Boulevard ay tawagin ang floor manager at umorder ng babae. He-he-he! Parang sa restaurant ka lang pala. Kaya lang, iba ang putaheng naoorder dito, di ba mga suki?

Ang mga customer ay puwedeng mamili sa isang showroom o dili kaya’y magpapadala ang floor manager ng isang babae, na nakasuot ng uniporme ng estudyante, sa cubicle na kinaroroonan niya. At matapos makapili, magbabayad ng tumataginting na P2,000 ang customer sa isang oras na ligaya. At kapag nasarapan ang customer at napasobra ng oras, panibagong P2,000 muli. Ang sex bout ay nangyayari sa isang bakanteng cubicle, di ba Mr. Ting Sir?

Kung sabagay itong klaseng modus operandi ni Ting ay hindi basta-basta maaamoy ng mga awtoridad. He-he-he! Paano nila maaamoy eh me sipon sila dahil puno naman ang bulsa nila o dili kaya’y libre inom sila, di ba mga suki? Me ebidensiya tayo rito dahil ni minsan man lamang ay hindi na-raid ng pulisya o NBI ang Classmate.

Para patunayan ni Gen. Velasco na hindi patong ang kanyang mga tauhan sa Classmate dapat sigurong iutos niya ang pag-raid dito. Siyempre, tiyempuhan lang niyang wala roon si PO3 Ed Morata ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) dahil baka magkahiyaan lang sila no?

vuukle comment

CLASSMATE

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

ED MORATA

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

LANG

LEO TING

METRO MANILA

MR. TING SIR

QUEZON BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with