Nahuli ng aming surveillance team sa Operation Red Plate ng BITAG ang mga sasakyan ninyo na ginagamit ng mga makakapal na mukhang tauhan nyo sa kanilang pang-goodtime sa mga KTV, sauna parlors, disco joints sa Quezon City at sa Malate Manila.
Humanda kayo. Isa-isa kayong bibisitahin ng aming investigative team sa TV ang BITAG. Ipakikita namin sa inyo ang nilalaman ng aming surveillance camera. Ihanda nyo at iharap sa amin ang mga hinayupak nyong tauhan na naisyuhan ng mga sasakyang ito.
Karapatan ng taumbayan mapakinggan ang kanilang paliwanag. Simple lang ang aming tanong? Ano ang ginagawa ng kanilang mga sasakyan sa loob ng mga parking lots ng nasabing establisimiyento noong madaling araw nung isinagawa namin ang surveillance?
Sa ginawang aksiyon ng iyong adelantadong pamunuan sa GSIS na gamitin ang inyong pondo para bilhin ang Parisian Life painting ni Juan Luna, malamang wala kayo sa inyong tamang pag-iisip. Masasabing nakatuwad ang inyong mga kukote o di naman kaya may almoranas lang sa utak ang ilan sa inyo.
Bakit GSIS? Samantalang marami namang puwedeng gumanap bilang buyer na maibalik sa ating bansa ang painting ni Juan Luna. Nandiyan naman yung ilang mga Government Owned or Controlled Corporation (GOCC) na tinatawag na revenue generating?
Isa rito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na puwedeng gumanap na buyer sa parte ng pamahalaan. Nandiyan ang ilan pang mga GOCC na puwedeng maglaan ng kanilang pondo para sa bagay na to.
Nagpadala sila agad ng kanilang amateur video footages ng kanilang mga nakunang tanawing KAPABAYAAN at PANGANIB sa kanilang kinaroroonan. Mapapanood nyo to sa aming TV program sa susunod na Sabado.