^

PSN Opinyon

Sa GSIS president at mga Metro mayors, para sa inyo 'to

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MANILA Mayor Lito Atienza, Parañaque Mayor Joey Marquez, Taguig Mayor Freddie Tinga at mga mayor ng Lobo at Balayan, Batangas, makinig kayo!

Nahuli ng aming surveillance team sa Operation Red Plate ng BITAG ang mga sasakyan ninyo na ginagamit ng mga makakapal na mukhang tauhan n’yo sa kanilang pang-goodtime sa mga KTV, sauna parlors, disco joints sa Quezon City at sa Malate Manila.

Humanda kayo. Isa-isa kayong bibisitahin ng aming investigative team sa TV ang BITAG. Ipakikita namin sa inyo ang nilalaman ng aming surveillance camera. Ihanda n’yo at iharap sa amin ang mga hinayupak n’yong tauhan na naisyuhan ng mga sasakyang ito.

Karapatan ng taumbayan mapakinggan ang kanilang paliwanag. Simple lang ang aming tanong? Ano ang ginagawa ng kanilang mga sasakyan sa loob ng mga parking lots ng nasabing establisimiyento noong madaling araw nung isinagawa namin ang surveillance?
* * *
Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Winston Garcia, ‘‘Your good intention is not in question. But your stupid means does not justify the ends.’’

Sa ginawang aksiyon ng iyong adelantadong pamunuan sa GSIS na gamitin ang inyong pondo para bilhin ang ‘‘Parisian Life’’ painting ni Juan Luna, malamang wala kayo sa inyong tamang pag-iisip. Masasabing nakatuwad ang inyong mga kukote o di naman kaya may ‘‘almoranas’’ lang sa utak ang ilan sa inyo.

Bakit GSIS? Samantalang marami namang puwedeng gumanap bilang buyer na maibalik sa ating bansa ang painting ni Juan Luna. Nandiyan naman ’yung ilang mga Government Owned or Controlled Corporation (GOCC) na tinatawag na revenue generating?

Isa rito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na puwedeng gumanap na buyer sa parte ng pamahalaan. Nandiyan ang ilan pang mga GOCC na puwedeng maglaan ng kanilang pondo para sa bagay na ’to.
* * *
Matapos ang aming panawagan sa kolum na ’to, sa radyo maging sa programa sa TV ang BITAG sa ABC-5, tuwing Sabado alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon, dalawang concerned citizen ang agad tumugon.

Nagpadala sila agad ng kanilang amateur video footages ng kanilang mga nakunang tanawing KAPABAYAAN at PANGANIB sa kanilang kinaroroonan. Mapapanood n’yo ’to sa aming TV program sa susunod na Sabado.
* * *
Patuloy ang aming panawagan na maging kabahagi sa Tri-media investigative team sa pamamagitan ng inyong mga video footages, mga litrato at mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag sa mga numerong ito (0918)934-6417 at telepono 932-5310/9328919.

vuukle comment

AMING

CONTROLLED CORPORATION

GOVERNMENT OWNED

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

ISA

JUAN LUNA

KANILANG

MALATE MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with