^

PSN Opinyon

Malakas si SPO4 Cabatic sa kanyang amo kaya di natitinag

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
ITINAPON na pala sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) si SPO4 Art Cabatic dahil sa kaso ng pangongotong. Pero dahil sa padrino niyang malapit kay Chief Supt. Eduardo Matillano, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nakabalik siya sa Metro Manila para maghasik na muli ng lagim. He-he-he! Kaya pala nakasimangot ang ilegalista sa southern Metro Manila, di ba mga suki? Sobrang malakas kung mag-akyat ng pera si Cabatic sa amo niya kaya’t kahit anong alog ng media ay hindi siya natitinag sa puwesto, ayon sa mga pulis na nakausap ko. Subukan natin kung hanggang kelan ang buwenas niya.

Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na hindi man lang tumagal si Cabatic sa ARMM dahil nakialam nga ang padrino niyang malapit kay Matillano. Kung sabagay, napatunayan naman ni Cabatic na may gamit siya sa tong collection nga dahil maligaya sa ngayon ang amo niyang si Maj. Ronald Olay, hepe ng CIDG Field Office South.

Kung ang mga pulis na nakausap ko ang paniniwalaan, P2,000 kada linggo ang tinatanggap na intelihensiya ni Cabatic mula sa jueteng ni Oscar San Pedro samantalang P3,000 naman kay Nanette Tamayo. Si San Pedro, ayon pa sa mga pulis, ang kumakaskas ng jueteng sa Parañaque at si Tamayo naman ang nagpapatakbo ng naturang laro sa Las Piñas. Si Tamayo ang dahilan kung bakit hindi pa dapat tawaging jueteng-free ang siyudad ni Mayor Vergel Aguilar. Patutunayan yan ng kapatid ni Mayor Aguilar na si Sonny, di ba mga suki?

Para mailayo nga ang kanyang sarili kay Olay ginagamit sa ngayon ni Cabatic si SPO4 Leo Palatao sa tong collection. Pero walang baho na hindi naaamoy, di ba mga suki? At habang patagal nang patagal naman ay dumarami ang tumatawag sa akin para isiwalat ang mga ginagawang ilegal nitong si Cabatic. He-he-he! Marami rin palang galit sa ’yo Sir Cabatic.

Ang ipinagtataka lang ng mga pulis, sobra talaga ang lakas ng padrino ni Cabatic dahil hindi man lang siya nasama sa listahan ng rogue cops ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. At hindi lang ’yan. Pati si Interior Secretary Joey Lina ay nagbulag-bulagan lang sa aktibidades niya. Si Cabatic ay isa lang sa dahilan kung bakit mababa ang tiwala ng publiko sa pulisya natin.

Kung sabagay, ang mga negatibong balita ukol kay Cabatic ay masasapawan lang sana kung may nahuhuli naman siyang mga suspect sa mga krimen tulad ng bombing, kidnapping at robbery holdup. Kasi nga, maaaring ikatwiran niya na ang perang nakolekta niya ay ginagamit naman sa trabaho. Ang tanong ko ke Maj. Olay, may nahuli ka na bang masamang-loob mula nang makuha mo ang serbisyo ni Cabatic? Di wala, di ba mga suki? Pero sunud-sunod naman ang bulilyaso o malalaking kaso diyan sa southern Metro Manila, diba?

ART CABATIC

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

CABATIC

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDUARDO MATILLANO

KUNG

METRO MANILA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with