^

PSN Opinyon

Huling babala sa noontime shows

SAPOL - Jarius Bondoc -
WALA talagang kadala-dala ang noontime variety shows. Ilan taon lang nang umangal ang mga pari’t guro sa kalaswaan ng dalawang lalaking hosts. Malimit kasing may sexual connotation sa pananalita nila. Tatlong milyon ang nanonood araw-araw sa kanila; 750,000 ay bata. Pangit ang dating.

Maluha-luhang nag-public apology ang dalawa at nangakong di na uulit.

Di naglaon, mas lumala pa ang mga kasamahan nila. May mga dalagitang nagsasayaw na naka-hotpants, labas ang pusod, at pagiling-giling pa sa camera. Kung di naman, kumakain ng jumbo hotdog habang ang mga lalaking hosts ay nagpapahiwatig na ari ’yon ng kung anong hayop. At malimit bastusin ng hosts ang contestants, pati mga batang musmos na nais makoronahang munting mutya.

Nito lang Agosto, isang congressman naman ang umangal. Sobra na raw ang panglalait sa kababaihan at kabataan. Humingi kunwari ng paumanhin ang producers, pero tuloy pa rin ang palagay nila’y kagiliw-giliw na palabas. Pinaupakan pa ang congressman sa mga bayarang entertainment writer. Kesyo hipokrito raw ito dahil mahilig namang man-chicks. Hindi ’yon ang isyu. Tama bang ipalabas sa telebisyong pambata ang napapanood nila sa beerhouse kung saan bawal ang menor de edad?

Lagot ngayon ang producers. Ang umaangal ay di na basta mga magulang, pari, guro at politiko na binabale-wala nila. Ang umaalma ay advertising agencies at advertisers na bumubuhay sa kanila. Wala na raw natuturong kabutihang-asal ang noontime shows. Sa halip pinapahamak pa ang kalusugan at niyuyurak ang dignidad ng contestants. Pinapakain ng hilaw na atay ng baboy; ang unang makaubos, may P5,000. Sabi ng ad industry, tinuturo nito sa kabataan na kikita sila kung maliitin ang sarili.

Magbabago na malamang ang noontime shows ngayong bulsa na ng producers ang tatamaan. Puwede naman silang kumita nang malinis.
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m. sa IBC-13.

ABANGAN

AGOSTO

HUMINGI

ILAN

KESYO

LAGOT

LINAWIN NATIN

MAGBABAGO

MALIMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with