^

PSN Opinyon

GMA-Gringo vs terorismo

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Peroche -
TERRORISM is now a global problem. Kung ang Amerika ay "caught unawares" sa malagim na insidente sa World Trade Center, ang Pilipinas pa kaya na salat sa mga sopistikadong paraan sa pagtugon sa ganitong problema?

No less than the Defense Secretary
Angelo Reyes has admitted na may "failure of intelligence" sa sunud-sunod na pambobomba sa Zamboanga at Metro Manila kamakailan. Dahil dito’y inuulan ng batikos si Presidente Arroyo mula sa mga katunggaling politiko. Pati ang panukalang bigyan ang Pangulo ng emergency powers (na tinututulan naman ng Malacañang) ay ginagawang rason para siya tuligsain.

Dito ako saludo kay Sen. Gregorio Honasan. Hindi siya puro ngawa but he rose above politics. May pormula siya para tulungan ang administrasyon sa pagbaka sa terorismo. Pinakilos niya ang pinamumunuang kilusang Guardians na may kalahating milyong kasapi mula sa mga retiradong militar, pulis at mga propesyonal sa buong bansa.

Magsisilbi silang "tenga at mata" ng gobyerno. Makikipag-koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya sa pagsugpo ng terorismo. Aktibong lalahok ang Guardians sa 24-oras na pagmamanman at pagtatanod sa bansa upang agad masawata ang anumang maitim na balak ng mga terorista.

Iniharap din ni Honasan sa Senado ang pagtatatag ng Anti-terrorist Information System. Layon nito na palakasin ang National Intelligence Coordinating Agency bilang pangunahing ahensya na siyang mangangalap at magkokonsolida sa lahat ng mga impormasyon tungkol sa terorismo.

Dahil sa ipinakikitang statesmanship ni Honasan, naniniwala ang ilang political analysts na kung hindi mahimok ng oposisyon si Fernando Poe, Jr. na tumakbo sa panguluhan, malamang ay siya ang maging "alternative presidentiable."

ANGELO REYES

DAHIL

DEFENSE SECRETARY

FERNANDO POE

GREGORIO HONASAN

HONASAN

INFORMATION SYSTEM

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with