Saan ba patungo ang Pilipinas?
October 27, 2002 | 12:00am
LAGANAP ang karahasan sa ating lipunan. Ngayoy halos ituring na ng ilan na tila hindi na ligtas ang mamamayan sa naghahasik ng kaguluhan.
Niyayanig ng pambobomba ang Zamboanga at maging dito sa Metro Manila ay magkakasunod naganap ang pambobomba. Anim katao ang namatay sa Zamboanga at mahigit 140 ang nasugatan.
Matapos ito, sumabog muli ang isa pang bomba sa Fort Pilar Shrine, Zamboanga na ikinamatay ng isang Marine corporal at ikinasugat ng 14 pang katao.
Nagbigay ng kasiguruhan ang pamahalaan na walang dapat ikabahala ang taumbayan dahil ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maging panatag ang lahat.
Ngunit sa kabila na ginagawa na umano ng pamahalaan, may mga nagtatanong: Anong uri ba ng pagsasaayos ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan?
Wala na nga bang katapusan ang karahasan sa ating paligid, o talagang wala nang magawa ang pamahalaan sa pagsugpo sa karahasan sa ating lipunan? Saan na ba patungo ang ating bansa?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended