Constipation: Dahilan ng almoranas
October 27, 2002 | 12:00am
NATALAKAY ko na sa mga nakaraang isyu ang tungkol sa hemorrhoids o almoranas. Pero marami ang sumulat sa akin at nagtatanong muli tungkol dito. Salamat sa inyong pagsulat.
Ang almoranas ay varicose at namamagang ugat sa paligid sa dakong dulo ng anus. They are classified as internal, external or mixed depending upon whether they appear beyond the anus. Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng almoranas ay: Pagdurugo, kirot at pangangati. Ang pagdurugo ay bahagya lamang subalit sa katagalan, maaaring maging madalas na magiging dahilan ng anemia.
Ang may almoranas ay pinapayuhan kong kumunsulta agad sa doktor upang malunasan. Ginagamot ang almoranas sa pamamagitan ng creams, injections at suppositories. Kapag malala na, kailangang sumailalim sa operasyon ang may almoranas.
Ang tamang estilo ng pamumuhay, diet at exercise ay mahalaga para maiwasan ang almoranas. Kinakailangang kumain ng mga pagkaing maraming fibers at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagtigas ng dumi (constipation). Kailangan ang regular exercise upang ma-improve ang blood circulation. Iwasang umupo nang matagal.
Kadalasang ang mga nagkakaroon ng almoranas ay mga may edad. Nagkakaroon din nito ang mga kababaihan sa panahon ng pagbubuntis subalit nawawala kapag nakapanganak na. Ang pagkakaroon ng almoranas ay sinasabing sintomas din ng pagkakaroon ng ibang sakit gaya ng cirrhosis at sakit sa puso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest