^

PSN Opinyon

Magkano ang ipinauutang ng Pag-IBIG?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Meron kaming grocery na katamtaman ang laki at ito ang aming pinagkakakitaan. Itatanong ko lang kung ang Pag-IBIG ay nagpapautang sa tulad namin? Hanggang magkano ba ang ipinahihiram ng Pag-IBIG? Ito ba ay depende sa laki at haba ng kontribusyon? Ilang taon babayaran ang loan at gaano po kalaki ang interes? – Sivel Zeugirne


Bago makapag-housing loan, kailangang ikaw ay miyembro at may 24 buwan o dalawang taong kontribusyon. Sa kaso mo, dapat kang maging miyembro sa kategorya ng self-employed. Maaaring umutang ng P150,000 pababa na may interes na 6 percent, P150,000 pataas hanggang P225,000 sa 9 percent interes, P225,000 pataas hanggang P500,000 - 10 percent at P500,000 hanggang P2,000,000 sa 12 percent interes. Ang halaga po ng mauutang ay depende sa inyong kakayahang magbayad at sa halaga ng lupa o bahay na iyong bibilhin o ipatatayo. Ang haba ng panahon na inyong pagbabayad ay depende sa halaga ng inyong loan, maaaring ito ay 20 o 30 taon.

Ipinapayo ko na makipag-ugnayan ka sa Marketing Division (Membership) sa telepono bilang 811-40-14 para sa detalye ng pagiging miyembro ng Pag-IBIG. Maaari ka ring tumawag sa Housing Loan Originations Group, tel. numbers 811-41-94 at 811-4269 para sa mga detalye ng housing loan.

DEAR SEC

HANGGANG

HOUSING LOAN ORIGINATIONS GROUP

ILANG

IPINAPAYO

ITATANONG

MARKETING DIVISION

MIKE DEFENSOR

PAG

SIVEL ZEUGIRNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with