^

PSN Opinyon

Balik sa lupa si Binong

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ILANG taon kong hindi nakita ang magtatraysikel na si Binong. Wala akong balita tungkol sa kanya.

Nang dumalaw ako sa nayon ay nakita ko siyang nakatayo sa may tindahan at parang problemado.

‘‘Nasaan na ang traysikel mo?’’ tanong ko bilang pagbati.

"Nawala na Doktor,’’ sabi niyang may kalungkutan.

‘‘Anong nangyari? Ibinenta mo ba? Naaksidente ka ba?’’ Sunud-sunod kong tanong dahil sa pagkagulat.

‘‘Hindi ko ibinenta at hindi rin ako naaksidente. Bigla na lamang itong hindi umandar. Wala na akong traysikel.’’

‘‘Nasira na? Hindi na maaaring kumpunihin Binong?"

‘‘Gastado na Doktor. Bulok na ang piyesa, pati kaha,’’ sagot ni Binong.

‘‘Nag-impok ka ba mula sa iyong kinita para makabili ng bago?’’

Matagal bago nakasagot si Binong. May lungkot sa tinig ng sumagot. ‘‘Iyan ang hindi ko ginawa. Ang alam ko lang, may kita ako araw-araw. Ang akala ko magtatagal ito habambuhay tulad ng lupa. Hindi pala. Hindi ako nakapag-ipon ng pera para pambili ng piyesa. Maling-mali ako Doktor.’’

‘‘Ano ngayon ang pinagkakakitaan mo?’’ Tanong ko.

‘‘Balik sa pagsasaka Doktor. Mabuti pa ang lupa at panghabambuhay.’’

ANO

ANONG

BALIK

BIGLA

BINONG

BULOK

DOKTOR

GASTADO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with