Matagal nang umaandar sa lansangan ang mga jeepney at bus sa pamamagitan ng diesel. Kaya pala marami ang dinadapuan ng sakit sa baga tulad ng hika, emphyzema at ang nakasisindak na cancer. Marami na ngang nangamatay na.
Mayroon na tayong Clean Air Act pero walang implementasyon. Natalakay na natin ang masamang hangin mula sa coal-fired power plants na heavily laced with mercury. Ngayon, nabatid nating ang usok ng diesel ay lason din.
Dapat umaksyon ang lahat ng sektor ng lipunan pati ang mga mambabatas. Kung pinagtutuunang pansin ngayoy mga coal-fired plants, tingnan din ang diesel bilang sanhi ng polusyon. Sa California, USA ay 14,000 katao ang umanoy namatay sa sakit na ugnay sa usok ng diesel. At ito ang lalong nakasisindak: Mas masahol ang sitwasyon ng polusyon sa Pilipinas na ang 70 porsiyento ay dulot ng diesel.
Kamakailan ay nagkaisa ang sandosenang mga mambabatas, the so-called "Green" legislators from various political parties sa pakikibaka kuno sa polusyon. Pero tila publicity stunt lang at walang seryosong commitment ang pakulo nila. May resolusyon si Sen. Robert Jaworski para siyasatin ang "killer-usok" mula sa coal plants. Maganda sanang precedent laban sa ibang mapaminsalang fuel tulad ng diesel. Hinimok niya ang ehekutibo na ipursige ang pagtuklas ng mga malilinis na energy source gaya ng solar at wind energy.
Yung ibang mambabatas ay tahasang isinisigaw na "ipasara" ang mga coal power plants. Mayroon namang ibig suspendihin ang mga insentibo sa investment ng energy sectors na pumipinsala sa kapaligiran. Beautiful rhetorics, pero aanhin ang salitang walang gawa? Pampaguwapo lang iyan sa telebisyon, radyo at diyaryo. Tsk..tsk.