Gen.Sacramento, kung nangangarap ka dapat ka nang gumising!
October 25, 2002 | 12:00am
NAGBABALAK na ipetisyon ng mga opisyales at rank and file ng Eastern Police District (EPD) para mapatalsik sa puwesto ang kanilang hepe na si C/Supt. Rolando Sacramento. Sinabi nila na demoralisado na sila at hindi na makakayanan ang kakulangan ng liderato ni Sacramento dahil ang inuuna nito ay ang sariling kapakanan at hindi ang tinatawag na public service. Kung sabagay, marami nang opisyales ang nagbalot at tinalikuran si Sacramento sa kadahilanang kawalan ng suporta.
Kung sisilipin sa ngayon ang EPD, may ilang opisyal doon na dalawang opisina ang hawak nila. Bakit? Kasi nga kung maraming umaalis na opisyal EPD, wala namang gustong pumasok sa hindi natin malamang dahilan.
Ilang beses na ring itinatatwa ni Sacramento na may jueteng sa kanyang nasasakupan kahit na patuloy na namamayagpag sina Cris dela Paz, Peping Suarez, Joel Guevarra at iba pa. Pero kung wala talagang jueteng bakit patuloy naman ang pag-iikot ng isang alyas Bernie na ginagamit ang opisina ni Sacramento para mangolekta ng lingguhang intelihensiya? Tanong ng mga pulis. Si Bernie na batang sagrado ni Sacramento sa Aviation Security Command (AVSECOM) ang pumalit sa bukolerong si SPO4 Rafael Paeng Palma. Napatunayan kasi ni Sacramento na si Palma, na may swimming pool ang bahay sa Antipolo City, ay kumakaltas ng malaki sa mga salaping dapat tatanggapin niya.
Kung matutuloy ang petisyon hindi naman maninibago diyan si Sacramento. Noon kasing provincial director siya ng La Union ay naranasan niyang ma-petisyon at ang namuno nga ay si Sen. Supt. Leo Kison ang dating hepe ng Marikina City police. Kaya sa ngayon, walang gustong mamuno sa petisyon kontra kay Sacramento dahil nga sa sinapit ni Kison nang maabutan niya ito sa EPD. He-he-he! Lintek lang ang walang ganti, di ba mga suki?
Noong nasa La Union si Sacramento, ang hepe niya ay si Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco na siya ring director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa ngayon. Kung sabagay, hindi naman itinatatwa ni Velasco na wala siyang kaamor-amor kay Sacramento, anang mga pulis na nakausap ko. Mauulit kaya ang sinapit na kamalasan ni Sacramento? Pero sa tingin ko hindi magagawang i-relieve ni Velasco itong si Sacramento dahil ang Camp Crame na ang may karapatan dito. Ang payo ko naman kay General Sacramento, kung nangangarap ka pa Sir, dapat magising ka na bago maging huli ang lahat. Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am