Wise Motel Group of Companies, basahin n'yo 'to !
October 25, 2002 | 12:00am
MENSAHE namin sa pamunuan ng Wise Motel Group of Companies na nagmamay-ari ng U-Belt Apartelle. Kayong mga sinungaling na kapatid ng mga magnanakaw, hindi namin kayo tatantanan hanggat hindi kayo nababalatan ng inyong tunay na anyo.
Napasara na kayo ng kolum kong ito nung August 2000 nung akoy nagsusulat pa sa Bulgar. Wala pa rin kayong kadala-dala sa inyong ilegal na operasyon.
Huli namin kayo sa akto noon. Nakumpirma rin ng mga taga-Bureau of Permits and Promotion ang inyong kagaguhan na nagpapasok ng mga kabataang estudyante na menor de edad sa university belt sa pamamagitan ng kanilang mga undercover.
Kung inaakala nyo na meron kayong kakampi sa loob ng City Hall na HUDAS para mapagtakpan ang inyong pagiging magnanakaw, puwes, under surveillance na namin ang kanyang kilos at galaw sa loob ng City Hall ni Mayor Lito Atienza.
Kayong mga gunggong sa pamunuan ng U-BELT APARTELLE, ipinakikita ko ngayon sa kolum kong ito ang inyong kabobohan sa tulong ng pulpol nyong abogado.
Sa inyong liham na ipinadala sa Secretary to the Mayor na si Atty. Manuel Sison, pinalabas nyong planted ni Ben Tulfo yung mga menor de edad na nakapasok sa inyong motel. Tsk tsk tsk
Kundi ba naman kayo mga sangkaterbang bugok, eh papano mapapaplantahan yang iyong motel kung hindi nyo pinayagang mag-check-in ang mga nasabing menor de edad na aming ginamit na undercover?
Hindi ba may nakalagay papasok sa inyong front desk ang karatulang minors are not allowed? Hindi ba ang nasabing karatula ay base sa city ordinance ng Maynila na nagbabawal sa mga menor de edad sa mga establisimiyentong tulad nyo? Sige humirit pa kayo!
Sinubukan namin sa pamamagitan ng aming undercover na menor de edad upang siguruhin kung ipinatutupad nyo ang nasabing ordinansa. Nabitag namin kayo sa aming surveillance camera ang katotohanan base doon sa aming mga nakita. Malakas ang ebidensiyang ito na hawak namin.
Ikaw Atty. Manuel Sison, huwag mong kakainin ang iyong ipinangakong iharap mo kami sa nasabing hearing laban sa U-Belt Apartelle. Nandito kami sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, laging handa.
Panoorin bukas ang aming programang surveillance undercover TV ang BITAG, 5:00-5:30 sa ABC-5. Para sa inyong tips, reklamot sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 934-6417 at telepono 932-5310/932-8919.
Napasara na kayo ng kolum kong ito nung August 2000 nung akoy nagsusulat pa sa Bulgar. Wala pa rin kayong kadala-dala sa inyong ilegal na operasyon.
Huli namin kayo sa akto noon. Nakumpirma rin ng mga taga-Bureau of Permits and Promotion ang inyong kagaguhan na nagpapasok ng mga kabataang estudyante na menor de edad sa university belt sa pamamagitan ng kanilang mga undercover.
Kung inaakala nyo na meron kayong kakampi sa loob ng City Hall na HUDAS para mapagtakpan ang inyong pagiging magnanakaw, puwes, under surveillance na namin ang kanyang kilos at galaw sa loob ng City Hall ni Mayor Lito Atienza.
Sa inyong liham na ipinadala sa Secretary to the Mayor na si Atty. Manuel Sison, pinalabas nyong planted ni Ben Tulfo yung mga menor de edad na nakapasok sa inyong motel. Tsk tsk tsk
Kundi ba naman kayo mga sangkaterbang bugok, eh papano mapapaplantahan yang iyong motel kung hindi nyo pinayagang mag-check-in ang mga nasabing menor de edad na aming ginamit na undercover?
Hindi ba may nakalagay papasok sa inyong front desk ang karatulang minors are not allowed? Hindi ba ang nasabing karatula ay base sa city ordinance ng Maynila na nagbabawal sa mga menor de edad sa mga establisimiyentong tulad nyo? Sige humirit pa kayo!
Sinubukan namin sa pamamagitan ng aming undercover na menor de edad upang siguruhin kung ipinatutupad nyo ang nasabing ordinansa. Nabitag namin kayo sa aming surveillance camera ang katotohanan base doon sa aming mga nakita. Malakas ang ebidensiyang ito na hawak namin.
Ikaw Atty. Manuel Sison, huwag mong kakainin ang iyong ipinangakong iharap mo kami sa nasabing hearing laban sa U-Belt Apartelle. Nandito kami sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, laging handa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest