^

PSN Opinyon

Nakuryente si Enrile

- Al G. Pedroche -
HINDI estupido ang Senado. Pero with due respect to ex-senator Juan Ponce Enrile, ang mga isiniwalat niya sa Senado ay kulang sa detalye’t pananaliksik. To use the journalist parlance – "kuryenteng" impormasyon.

"Overpricing conspiracy" ng Meralco at sister company nito – ang First Gas na isang independent power producer ang ibinunyag ni Enrile.

Nagbayad daw ang Meralco ng P14.7 bilyon sa First Gas para sa elektrisidad na "hindi nai-deliver", at ang siningil ay consumers. Wala raw naibigay na elektrisidad ang First Gas dahil "non-operational".

Dumalo sa hearing ng public service committee ng Senado ang mga executives ng Meralco at First Gas. Itinuwid ang salaysay ni Enrile at mukhang kumbinsido naman ang mga Senador.

Ipinagwagwagan ni Enrile ang mga "dokumento" para patunayan kuno ang puntos niya. Pero ang mga Senador sa tabi niya tulad nina Joker Arroyo (nagtakip pa ng ilong na tila nakaamoy ng mabantot), Ralph Recto at Serge Osmeña ay anyong inaantok sa larawang nalathala sa pahayagan.

To cut the long story short,
maling-mali ang alegasyon ni Enrile. Mula Disyembre 2001 hanggang Disyembre 2002, operational na ang Sta. Rita Plant ng First Gas at nakapag-deliver ng 921 million KWH ng kuryente.

Kung nagsiyasat muna si Enrile, malalaman niya na ang lahat ng delivery ay ipinadaan ng Sta. Rita Plant sa NAPOCOR. Ganyan ang nakasaad sa letter of agreement ng Meralco at NAPOCOR. Ang kasunduang iyan ay isang public record na puwedeng bulatlatin. Kaya ang power output ng Sta. Rita ay lumilitaw na delivery ng NAPOCOR. Sa unang tingin, parang walang nai-deliver ang First Gas.

And that’s the whole story that is both literally ang figuratively "kuryente."

ENRILE

FIRST GAS

JOKER ARROYO

JUAN PONCE ENRILE

MERALCO

MULA DISYEMBRE

PERO

RITA PLANT

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with