^

PSN Opinyon

Editoryal - Metro mayors dapat alerto vs terorismo

-
NGAYONG nasa kamay na ng mga mayor dito sa Metro Manila ang poder ng mga pulis, mas mabibigyan nila ng tamang direksiyon ang mga ito kung paano mapuprotektahan ang taumbayan laban sa terorismo. Nasa mga mayor ang kasagutan para hindi gumapang nang gumapang ang terorismo at magdulot ng malalagim na kamatayan. Ang pagsabog ng Golden Highway Transit sa Balintawak noong October 18 ay isang palatandaan na nakagapang na sa Metro Manila ang mga uhaw sa dugong terorista. Dalawa ang namatay sa pagsabog at maraming iba pa ang nasugatan. Ang klase umano ng bombang itinanim ay katulad ng sumabog sa LRT noong Dec. 30, 2000 na marami rin ang namatay.

Inilipat ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang kapangyarihan ng mayor sa mga pulis, dahil sa lumalalang kriminalidad. Dati nang nasa poder ng mga mayor ang mga pulis noong panahon ni dating President Marcos subalit masama ang kinauwian. Umabuso ang mga mayor at ginawang mga badigard ang mga pulis. Nagtayo ng private army at sa halip na sa mamamayan maglingkod sa mga buwayang pulitiko nagsilbi.

Ang pagsabog ng mga bomba at ang hindi mapigilang "bomb threat" sa maraming lugar sa bansa ay nagdulot sa pagbagsak ng piso. Maraming dayuhang investors ang ayaw nang magpunta rito dahil sa takot sa pambobomba.

Ang mga mayor ang nararapat manguna sa pagsugpo sa mga terorista katulong ang mga pulis. Ang pag-educate rin sa kanilang nasasakupan ay isang magandang paraan upang maiwasan ang pagpa-panic. Ipaliwanag ang mga gagawin sakaling makatuklas ng mga bomba. Ipaunawa ang pagiging handa sa panahon ng kaguluhan. Kailangang maging alerto ang bawat isa at ireport sa maykapangyarihan ang mga kahina-hinalang tao sa kanilang barangay o lugar. Ang mga sasakyang walang plaka at kahina-hinala ang galaw ay dapat ireport. Turuan ang mamamayan na huwag mataranta sakali at makatanggap ng bomb threat. Ang kooperasyon ng bawat isa sa pagkakataong ito ay kailangan.

Nasa mga mayor ang kasagutan kung paano mapupruteksiyunan ang kanyang nasasakupan. Kung maaari gayahin ng mga mayor dito sa Metro Manila ang pamamaraan ng dating New York mayor na si Giuliani na napatahimik ang kanyang lungsod.

BALINTAWAK

DALAWA

DATI

GOLDEN HIGHWAY TRANSIT

MAYOR

METRO MANILA

NEW YORK

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with