^

PSN Opinyon

Bombahan dito bombahan doon

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KATULAD ng iba ako ay naguguluhan kung sino ang may kagagawan ng mga bombahan na nagaganap sa ating bansa. Hanggang sa sinusulat ko ito, wala pang maliwanag na pagpapahayag ang ating pamahalaan kung sino ang sisisihin at kung ano ang hangarin ng mga nasa likod ng mga nasabing bombahan na umutang na ng maraming buhay.

Bomba rito, bomba roon ang ginagawa na para bang nagmimistulang inutil ang military at kapulisan. Noong nakaraang Biyernes, isang pampasaherong bus ang sumabog sa may Balintawak, Quezon City. Nitong Linggo ng gabi, isang bomba na naman ang pinasabog sa isang Catholic shrine sa Zamboanga City na ikinamatay ng dalawang tao.

Walang dapat sayangin ang pamahalaan para mahuli ang mga naghahasik ng lagim. Huwag na nating hintayin pa na mangatog ang buong katawan ng ating mga kababayan lalo na’t may mga balita na nagsasaad na simula pa lamang daw ito ng marami pang pambobomba.

May umuugong na balita na ang mga bombahang nagaganap ay hindi kagagawan ng Al-Qaeda ni Osama bin Laden ng international terrorists na katulad ng Jamaah Islamiyah. Hindi rin daw CPP-NPA, MILF at Abu Sayyaf. Ang nasa likod daw ng mga pagsabog ay mga grupong dapat lamang na magtanggol at magbantay ng kapakanan ng mamamayang Pilipino nang sa ganoon daw ay para lumaki pa ang pondo ng mga ito. Abaw, linti. Kapag ito ang naging totoo, mas malaking bomba.

vuukle comment

ABAW

ABU SAYYAF

AL-QAEDA

BALINTAWAK

BIYERNES

JAMAAH ISLAMIYAH

NITONG LINGGO

QUEZON CITY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with