^

PSN Opinyon

Mayor Joey Marquez para sa'yo to!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
TARGET ng kolum na ‘to si Parañaque City Mayor Joey Marquez. Layunin naming matuldukan ang kanyang kapabayaan sa mga kawawang nabibinging residente ng Merville Subdivision, Parañaque.

Ipatutupad lang nitong si Marquez ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Air Transportation Office (ATO) at ng tatlong airline companies, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit, hindi magawa-gawa nitong inutil na alkalde.

Ang nasabing MOA ay bilang solusyon sa reklamo ng mga residente ng Merville sa mapanganib na ingay ng mga eroplanong dumadaan sa kanilang himpapawid.

Nakasaad, na ang oras ng paglipad ay magsisimula lamang sa alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. May kopya nito ang tanggapan ni Senator Joker Arroyo matapos ang senate hearing sa reklamong ito nitong nakaraang taon.
* * *
Nasaksihan ng aming TV investigative team ang walang pakundangang paglabag ng nabanggit na tatlong airline companies mula alas-5 hanggang alas-10 ng umaga, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Malinaw ang pambabastardo ng ATO, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit sa napagkasunduang MOA sa lungsod nitong "Flying high" na kenkoy na alkaldeng si Tsong.

Sa harapan ng aming camera sa programang "BITAG", mapapanood tuwing alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon sa ABC-5, nagsalita ang isa sa mga galit na galit na residente, tinawag niyang INUTIL si Marquez.

Ayon na rin sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tungkulin ng local government ang pagmo- monitor ng iba’t ibang uring noise pollution upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente nito.

Mayor Marquez, bago ka namin tuluyang balatan ng iyong tunay na anyo, kumilos ka na pronto! Huwag mo na kaming antayin pang hambalusin ka, bago ka tuluyang mapulbos.
* * *
Para sa inyong tips, reklamo’t sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919.

vuukle comment

AIR PHILIPPINES

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ASIAN SPIRIT

CEBU PACIFIC

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MARQUEZ

MAYOR MARQUEZ

MERVILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with