Mga basketball courts sa gitna ng kalye

ISA sa mga dahilan ng traffic sa Metro Manila ay ang paglalagay ng basketball court sa gitna ng kalye. Dito naglalaro ang mga kabataan. Sabihin nang hindi naman nakatayo ang mga basketball court sa main thoroughfares pero itinatayo naman ang mga ito sa mga sidestreets na perhuwisyo rin sa trapiko.

Sa mga kalye sa Sampaloc ay karaniwan nang makikita ang mga nakatayong court sa kalye. Walang pakialam sa idinudulot na aksidente at trapik.

Sa San Rafael St., sa Mandaluyong ay may basketball court at ilan na rin ang nabundol ng sasakyan pero tuloy pa rin ang kanilang pagbabasketball. Sa I. Lopez St. ay may basketball court din na inirereklamo ng maraming homeowners. Malaki naman ang basketball court sa City Hall at sa plasa ng San Felipe Neri Church pero mas gusto nilang maglaro sa kalye.

Dapat na aksiyunan ito ng pamunuan ng MMDA para maiwasan ang problema sa trapiko at aksidente.

Show comments