^

PSN Opinyon

Hindi nire-remit ng employer ang Pag-IBIG contributions

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Dati akong nagtatrabaho sa isang fastfood at halos apat na taon akong naglingkod doon. Nang binalak kung mag-loan, natuklasan ko na 11 buwan lamang ang naibayad na kontribusyon ko. Bagaman kinakaltas ang Pag-IBIG contributions ko sa aking sahod ay hindi pala ito nire-remit ng aking employer.

Ano ang dapat kong gawin? – Desiree Domingo


Ang pagkaltas ng iyong employer ng Pag-IBIG contribution mula sa iyong sahod at ang hindi nito pagbayad sa Pag-IBIG ay paglabag sa batas.

Ipinapayo ko sa iyo na magsadya sa Legal Department ng Pag-IBIG Fund sa 8th Floor Atrium Building, Makati Avenue, Makati City upang personal na maghain ng iyong reklamo. Dalhin mo ang iyong payslips upang maipakita ang pagkaltas ng iyong employer at ang patunay na 11 buwang kontribusyon lamang ang naibayad sa Pag-IBIG.

Iimbestigahan ng Legal Department ang kaso at kapag napatunayang kulang ang ibinayad ng iyong employer sa Pag-IBIG kaysa sa kinaltas sa inyo, maaari silang kasuhan ng Pag-IBIG sa paglabag sa Presidential Decree 1752. Ayon sa batas na ito kapag kulang ang naibayad ng employer ay maaari silang magmulta ng hindi kukulang ngunit hindi lalampas ng doble sa kakulangang bayad o kaya ay pagkabilanggo nang hindi hihigit ng anim na taon, o pagmulta at pagkabilanggo. Maaari rin silang kasuhan ng estafa.

vuukle comment

DEAR SEC

DESIREE DOMINGO

FLOOR ATRIUM BUILDING

IBIG

LEGAL DEPARTMENT

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MIKE DEFENSOR

PAG

PRESIDENTIAL DECREE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with