Sumisikip ang mundong kanyang ginagalawan. Dahil yung mga taong nasa itaas ay kalimitang nagsisilbing mga pader o di naman kaya mga "tulay" upang mapagtakpan ang pawang katotohanan.
Mahalaga sa amin ang salitang RESPETO. Hindi namamana o bastat ipinagkakaloob na lang kaninuman. Itoy nakakamit ng mga taong karapat-dapat dahil sa RESULTA ng kanilang mga GAWA hindi NGAWA. Ito ang espiritu at prinsipyo ng kolum na to.
Malungkot sabihin na ang solusyon ng ating pamahalaan sa jueteng ay naka-sentro lamang sa epekto hindi sa dahilan ng problema. Hindi solusyon ang panghuhuli!
Alam ni Lina na malapit na ang 2004 elections. Marami siyang masasagasaan. Kaya laganap na naman ang jueteng kaliwat kanan harap at likuran, sa itaas at sa ibaba ng lokal at nasyunal.
Hindi pinapansin ng Padis Point Timog ang ganitong kalakaran ng bentahan ng laman. Ayaw nilang tumingin ng diretso habang nagkalat ang mga batang prosti sa loob mismo ng Padis.
Malaki ang ginampanang papel ng mga bugaw sa ibaba, harap mismo ng Padis Point pagdating ng alas-onse ng gabi hanggang madaling araw. Ito ang nilalaman ng aming surveillance camera na nagsisilbing dokumento laban sa Padis Point. Abangan!