^

PSN Opinyon

CBCP tameme sa P20-M demanda

- Al G. Pedroche -
NATAMEME ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa P20 milyong demandang isinampa ng isang furniture firm.

Hustisya ang hanap natin para sa mga kompanya (maliit o malaki) na pinagkakautangan ng CBCP. Mga creditors na ayaw nang bayaran ng CBCP dahil daw nalugi ang negosyo nitong CBCPNet.

Ni ha, ni ho,
walang responde ang CBCP. Bakit naman? Dahil dito’y hiniling ng nagdemandang Spinbase International Corporation sa Mandaluyong Regional Trial Court na idiklarang "in default" ang CBCPNet ang internet service provider at systems integrator ng CBCP.

Idinemanda rin ng Spinbase ang CBCP at CBCP World dahil sa utang ng CBCPNet na P19.7 milyon.

Nagtataka ako. Noon pang Agosto 30, 2002 naisampa ang habla at ang mga subpoena ay naisilbi na sa mga kinauukulan noong pang Setyembre 9. Hangga ngayon ay wala pa ring "responsive pleading" ang CBCP anang abogado ng Spinbase na si Reynaldo Dizon.

Sa bisa ng Section 3, Rule 9 ng 1997 rules of civil procedures, kapag ang isinakdal ay hindi nakatugon sa loob ng panahong itinakda ng batas, dapat itong ideklarang in default ng hukuman, ani Atty. Dizon.

Hindi ako abogado pero base sa karanasan ko na madalas mahabla ng libelo, ganyan ang kalakaran sa korte. Kapag in default ang idinemanda, ang nagdemanda ay puwede nang magprisinta ng ebidensya sa hukuman.

Despuwes, hindi na dapat hintayin ang responde ng CBCP at payagan nang magharap ng ebidensya ang nagdedemanda rito.

Isa lamang sa napakaraming creditors ng CBCP ang Spinbase na nagsupply ng office furniture sa CBCPNet sa garantiya ng CBCP na nakapaloob sa notaryadong Secretary’s Certificate na inisyu noong May 22, 2000 ng noo’y asst. secretary general ng CBCP na si Msgr. Pedro Quitorio.

vuukle comment

AGOSTO

BAKIT

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CBCP

DAHIL

MANDALUYONG REGIONAL TRIAL COURT

PEDRO QUITORIO

REYNALDO DIZON

SPINBASE

SPINBASE INTERNATIONAL CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with