Gustong mag-member sa Pag-IBIG

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay 24 years old at nagtratrabaho sa isang maliit na kompanya dito sa Parañaque. Magtatatlong taon na ako rito. Sampu kaming empleyado at kaming lahat ay hindi member ng Pag-IBIG. Ano ba ang puwede naming gawin para maging member? – Albert ng Parañaque City


Nakasaad sa batas na mandatory ang pagiging miyembro ng Pag-IBIG sa mga nagtatrabaho sa gobyerno man o pribadong sektor na sumasahod ng P4,000 bawat buwan. Ang ibig sabihin nito, lahat ng mga employed o may trabaho na kumikita ng P4,000 bawat buwan o pataas, ay kailangang maging member ng Pag-IBIG. Kinakailangang ipasok kayo ng inyong employer sa Pag-IBIG sapagkat hindi lamang kayo ang magbibigay ng buwanang kontribusyon sa Pag-IBIG, maging ang kompanyang inyong pinagtatrabahuhan ay magbibigay din ng employer’s share.

Ang mabuti ninyong gawin ay kausapin ang inyong employer upang ipasok kayo sa Pag-IBIG sapagkat hindi naman kalakihan ang inyong buwanang kontribusyon. Mababa na ang kontribusyon ay malaking benepisyo naman ang inyong matatanggap gaya ng Hou-sing Loan, Multi-Purpose Loan at iba pang programa.

Padadalhan sana kita ng kopya ng application form subalit hindi naman nakalagay ang iyong address sa iyong sulat. Iminumungkahi ko na tumawag ka sa Marketing Division (membership) ng Pag-IBIG sa telephone number 811-40-14, para sa karagdagang impormasyon.

Show comments