^

PSN Opinyon

Atty. Manuel Sison: 'You can run but you can't hide'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UNANG labas pa lang ng kolum na ’to ’nung Lunes, agad umaray ang ilan sa mga tinamaan ng aking mga naisulat. Matagal ko nang alam na ako ’yung taong kanilang isinusuka.

Hindi ako nagmamalinis. Diretso lang ang aking lengguwahe. Wala akong pakialam kung hindi nila magugustuhan ang aking estilo. Ang mahalaga ay ang pawang katotohanan lamang.

Mensahe ko sa lahat, husgahan n’yo ang kolum na ’to sa resulta ng aking mga gawain. Bibigyan ko ng diin, ang salitang GAWA hindi NGAWA.
* * *
Nahuli ng aming surveillance camera ang kadupangan ng U-BELT APARTELLE. Nag-ooperate ito bilang motel sa university belt ng Maynila. Mapapanood n’yo ito sa ‘‘BITAG’’, isang undercover investigative TV program, ngayong darating na Sabado sa ABC-5, alas-5:00 hanggang alas-5:30 ng hapon.

Nabitag sa aming hidden camera ang pagpapapasok ng hayupak na pamunuan ng motel na ’to sa mga menor de edad. Agad umaksiyon ang Manila Business Permit and Promotions (MBPP) na ipasara ang nasabing motel matapos nilang mapanood ang aming surveillance video.

Nasa kay Secretary to the Mayor na si Atty. Manuel Sison ang problema. Gustong subukan ang uri ng kamandag ng aming TV at radio program.

Naghanap ng padrino itong gago. Sinubukan naman makialam nitong taong nagngangalang si ‘‘Cabangon.’’ Tsk.. tsk.. tsk. Kabaro kasi nitong si Cabangon si Wyden King ang nagmamay-ari ng U-belt Apartelle sa ilalim ng Wise Motel Group of Companies.

Atty. Sison makinig ka! ‘‘You can run but you can’t hide.’’ Kahit na magtago ka sa karsunsilyo ng inyong mga wais na padrino hindi ka namin titigilan. Malas mo kami ang nakatapat mo.
* * *
Mahigit 60 text messages at sampung telephone calls ang aming mga natanggap sa unang araw ng kolum na ’to ’nung Lunes. Tinatrabaho na ng aming investigative team na binubuo ng pitong segment producers at researchers kabilang na ang inyong lingkod. Maraming salamat sa patuloy n’yong pagtitiwala.

vuukle comment

AMING

APARTELLE

BIBIGYAN

CABANGON

DIRETSO

MANILA BUSINESS PERMIT AND PROMOTIONS

MANUEL SISON

WISE MOTEL GROUP OF COMPANIES

WYDEN KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with