Editoryal - Kailan magkakaroon ng matitinong jail guards?
October 16, 2002 | 12:00am
KAPAG hindi naging mahigpit ang Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa mga itatalagang jail guard sa mga kulungan, darating ang panahon na makatatakas ang mga bilanggo at muling magsasabog ng karahasan. Pati ang mga may mabibigat na kasalanan ay walang anumang makatatakas dahil sa kamangmangan o kayay pagka-corrupt ng mga nagbabantay.
Ang pagtakas ng dalawang suspected Abu Sayyaf members sa Metro Manila Rehabilitation Center (MMRC) na nasa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong Sabado ay pagpapakita lamang na hindi nagpapatupad ng paghihigpit sa nasabing kulungan. Tutulug-tulog ang mga jail guard na sina JO2 Rolando Enrile, JO1 Jerik Pilapil, JO1 Danilo Untanillas at JO1 Joseph Villegas kaya natakasan nina Anni Sailani, 30, at kapatid nitong si Iping. Ang dalawa ay pinaghihinalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf.
Nakatakas ang dalawa makaraang magbalatkayong babaing Muslim. Malaya silang nakalabas sa kanilang detention cell na hindi natunugan ng mga jail guard. Umanoy hindi mahigpit ang mga guwardiya kapag mga babaing Muslim ang dumadalaw kaya hindi na sila nag-iinspection. Nakalusot ang dalawang suspected Abu Sayyaf at marahil muli silang magsasabog ng lagim sa Sulu. Madaragdagan ang mga salot na nagbigay na ng katakut-takot na problema sa bansang ito. Marami na silang pinatay at pininsalang ari-arian. Ang Abu Sayyaf ay nakakukuha ng suporta sa teroristang si Osama bin Laden na ngayoy naghahasik ng kaguluhan sa buong mundo.
Kinakailangan nang parusahan nang mabigat ang mga jail guard na matatakasan ng preso. Kung hindi aaksiyon ang Senado sa nangyayaring ito, nakaharap ang bansa sa problema nang lalo pang paglala ng kriminalidad at karahasan.
Kamakailan, nakatakas sa Camp Crame ang suspected drug trafficker na si Henry Tan. Nilagari ni Tan ang rehas na bakal ng bintana na hindi namalayan ng guwardiyang pulis. Nakatakas din sa Crame ang napatay na Pentagon leader na si Faisal Marohombsar.
Kailan nga ba magkakaroon ng matitinong jail guard ang mga piitan? Kailangang maghigpit ang BJMP sa pagtatalaga ng guwardiya. Hindi dapat nasisilaw sa pera ang kanilang itatalaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended