^

PSN Opinyon

Irrevocable resignation ni NAIA Collector Celso Templo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NGAYONG gabi ang induction of officers ng NAIA Press Corps Inc., at ang Chief Kuwago ng ORA MISMO ang siyang Prez ng nasabing asosasyon. Si Ato Co, ng World News ang Vice-Prez, Rex Ramones ng RP Daily Expose,’ Secretary, Jerry Tan, ng Taliba, ang Treasurer, Jimmy Cheng, ng United Daily News, auditor at ang mga Board of Directors ay sina Omar Acosta, ng Daily Tribune, Chairman, Lolit Acosta, Manila Standard, Willy Balasa, ng People’s Journal, Nap Sanota, Customs Balita, Rudy Genteroy, RP Daily Expose’ at Danny Taguibao, Philippine News Agency at si Loy Caliwan ng Balita at Rey Morales, ng Text, members.

Bagama’t natutuwa ang Chief Kuwago sa nasabing okasyon ay may halong kalungkutan ang mga taga-NAIA Press Corps Inc., porke nagsumite ng irrevocable resignation ang tatay ng Customs sa airport sa katauhan ni NAIA District Customs Collector Celso Templo.

Si Celso, ay may 33 taon nanungkulan bilang empleado ng Bureau of Customs sa airport at ang kanyang pag-angat sa kanyang kasalukuyang puwesto ay bunga ng sipag at tiyaga sa kanyang trabaho.

Umiral ang prinsipyo at paninindigan ni Celso nang sa pag-akala nito na nawalan ng tiwala sa kanya si Prez Gloria Macapagal-Arroyo ng magkita sila sa isang pulong noong Sabado sa palasyo.

Ang topic: Bakit bumabagsak ang revenue collection ng kanyang teritoryo?

Pinaliwanag ni Celso sa mga kuwago ng ORA MISMO kaya bagsak sa ngayon ang koleksiyon ng NAIA ay dahil sa matumal na importasyon ng mga kalakal. Fourteen percent ang ibinaba nito simula noong Enero hanggang September kumpara noong isang taon.

Sabi ni Celso, sumadsad ang peso kontra dollar kaya malaking epekto ito sa atin lalo na sa mga negosyante.

Samantalang 60 percent naman ang apektado dahil sa reduction of tariff rate bunga ng mga executive orders na ipinalabas ni Prez Gloria.

Kahit Presidential appointee ni dating Prez Erap ay ginampanan nito ang kanyang tungkulin ng abot ng kanyang makakaya ng walang halong pulitika. Naging maganda ang koleksiyon ng airport sa maraming panahon ng ito ang maging ama ng NAIA-Customs. Bukod pa sa sandamukal na pagsakote sa mga illegal shipments na ipinasok dito tulad ng shabu, cocaine, heroin, cellphones, VCD-DVD, mga baril echetera.

‘‘Bakit ba siya nag-resign maganda naman pala ang performance niya?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Napahiya kasi sa mga kasama sa pulong porke dama niya na walang tiwala sa kanya si Prez Gloria?’’ pailing na sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Bakit hindi siya nagpaliwanag?’’

‘‘May makikinig ba?’’

‘‘Iyan ang problema sa mga bingi?’’

‘‘Iyon lang!’’

BAKIT

BOARD OF DIRECTORS

BUREAU OF CUSTOMS

CELSO

CHIEF KUWAGO

CUSTOMS BALITA

DAILY EXPOSE

PRESS CORPS INC

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with