Laging "good" ang "old days"
October 14, 2002 | 12:00am
NATATANDAAN ko pa nang ang pandesal ay dalawa singko. Grade four ako. Kapag recess, meryenday pan de coco na tigsi-singko atCosmos orange o sarsaparilla na singko rin sambote.
Pasahe ay diyes sentimos sa jeepney. Ang flag down ng taxi ay kinse sentimos at singko bawat patak ng metro. Sa kabila nito ang nanay koy madalas magreklamo sa taas ng presyo.
Noong bata pa raw siya, sa kinse sentimos ay makabibili na ng sang-kaing na saging. Bumili ka ng samperang suka sa tindahan at may dagdag pang kamatis, sibuyas at bawang.
Nakamulatan ko na ang halaga ng US dollar ay dalawang piso. Nang una akong magtrabaho noong taong 1970, ang starting koy P250 sambuwan. Kada linggoy tumatanggap ako ng P60.
Tuwing suweldo, magko-kontribusyon kaming magkakabarkada sa opisina ng tig-lilimang piso. Bibili ng sang-case na beer at sardinas o corned beef na pulutan. Ayos na. Lasing na kami at happy pagkatapos.
Sa isang government radio station ako nagsimula. "Pinirata" ng big-boss naming si Greg Cendaña ang isang bigating brodkaster, ang yumaong si Joe Cantada para maging production manager. Ang suweldo ay fantastic P800 a month!
Masarap gunitain ang nakalipas. Laging "the best".
Panay ang reklamo natin ngayon. Kesyo tumataas ang presyo ng lahat: Kuryente, gasolina, pasahe, pandesal, matrikula, etcetera. Nagrereklamo tayo sa kakarampot na sahod.
Pero isang bagay ang tiyak ko. Matapos ang dalawampu o higit pang taon, babalik-tanawin natin ang panahong ito. Mapapabuntunghininga sa alaalang ang halaga ng mga bilihin ay napakamura. Magrereklamo tayo sa minimum wage na isang milyong piso sambuwan dahil ang halaga ng isang sakong bigas ay dalawang daang libong piso, ang halaga ng pamasahe ay isang libong piso at ang mga pulubing lalapit sa iyot manghihingiy ma-iinsulto sa iaabot mong isangdaang pisong barya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended