Usapang sex ni GMA
October 12, 2002 | 12:00am
KAMUNTIK na akong matumba sa aking inuupuan ng mabasa ang sagot ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa katanungan ng isang miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kamakalawa tungkol sa kung mayroon pa rin siyang panahon sa pakikipagtalik. Kagulat-gulat ang tanong at ang naging kasagutan.
Sandaling natulala si GMA ng tanungin siya ni Raissa Robles ng South China Morning Post ng do you still have sex? Hindi lamang si GMA ang nagulat sa tanong ng reporter. Pati ang mga taong naroroon sa pinagdausan ng miting ay nagulantang din sapagkat walang nag-akalang may magtatanong ng ganito sa isang pormal na pagtitipon na katulad nito.
Hindi naman nagpahalata si GMA. Kahit na namumula ang mukha, pilit na namutawi sa kanyang bibig ang salitang plenty bilang sagot. Maging si First Gentleman Mike Arroyo ay hindi pinaligtas sa seksing usapan ng tanungin siya sa pamamagitan ng text kung ano ang palagay niya sa nasabing tanong ni Robles at sagot ni GMA. Game namang text ni Mike na kahit na matanda na sila, nakakatatlo pa sila sa isang linggo.
Marami sa aking nakausap ang hindi boto sa naganap na tanungan at sagutan tungkol sa sex. Naniniwala sila na wala sa lugar ang ginawang pagtatanong sapagkat liwas ito sa mga paksang dapat na talakayin ni GMA, walang iba kundi ang tungkol sa foreign policy. Kawalan din ito ng respeto sa Presidente ng bansa lalo nat isa siyang babae na tanungin nang isang pribado at personal na bagay. Sabagay, ngayon ay alam ng buong mundo na hindi foreign ang sex sa ating Presidente at sa First Gentleman.
Ewan ko kung ano ang reaksyon ni Cardinal Sin at iba pang mga taong malapit sa langit tungkol sa nangyari sa FOCAP. May mga nagsasabi naman na binara na lamang daw ni GMA ang nagtanong at hindi na niya sinagot ang katanungan. Subalit, baka naman ang talagang gusto ni GMA ay maging kontrobersyal ang kaganapang ito kung kayat bigay todo ang pagsagot niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended