^

PSN Opinyon

Digmain ang pulitiko

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacio -
IPINAHAYAG kamakailan ng United States na terrorismo ang numero unong kalaban. Hindi kumbinsido ang mga Pilipino. Para sa kanila, kahirapan pa rin ang siyang pangunahing kaaway. 

Higit na takot ang Pilipino sa gutom at sakit kaysa sa banta ng terrorismo. Kaya ng mga Pilipinong balewalain at isantabi ang panganib. Pero hindi nito kayang tiisin ang kumakalam na tiyan.  

Karamihan sa ating mga suliranin, kabilang na ang terrorismo, ay may kaugnayan sa  kahirapan. Ang kahirapan ang nagsisilbing panggatong sa apoy ng terrorismo.  

Mahilig mangako ang mga pulitiko. Masaganang buhay, magandang bukas. Kinakailangang tandaan at singilin ng mga Pilipino ang binitawan nilang mga pangako gaya ng ginagawang paniningil ng gobyerno sa mga terrorista. Dapat silang magbayad sa mga pinagkakautangan nila ng boto.  

Tatlong bagay lamang ang ugat ng kapangyarihan ng malupit na terrorista at ganid na pulitiko: Salapi, baril at mga butangero. Nagdeklara na ng giyera ang gobyerno laban sa terorismo. Kaya rin kaya nitong digmain ang mga pulitiko?

DAPAT

HIGIT

KARAMIHAN

KAYA

KINAKAILANGANG

MAHILIG

MASAGANANG

PILIPINO

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with