Si Binong magtatraysikel
October 12, 2002 | 12:00am
NANG ibenta ng mga magsasaka ang kanilang lupain sa isang developer, marami ang nagpaayos ng bahay at bumili ng pamasadang jeepney. Pero si Binong ay traysikel ang binili.
Masaya si Binong nang makasalubong ko minsan. Ipinapasada na niya noon ang traysikel.
Kumusta ang kita mo? tanong ko.
Okey naman Doktor. Sapat para maitaguyod ko ang aking pamilya, sagot nito.
Mas maganda ba ang sitwasyon mo ngayon kaysa noon?
Mas maganda ngayon Doktor. Mayroon na akong arawang kita. Hindi tulad noong ako ay nagsasaka pa na naghihintay pa ng panahon ng anihan. Hindi rin nakasisiguro dahil sa mga kalamidad.
Ano ang pinakagusto mo ngayon sa sitwasyon mo?
Ang kalayaan na makapunta saan ko man gusto. Mas maganda kapag may sariling sasakyan.
Mayroon ka bang hindi nagugustuhan?
Mas magastos ako ngayon at maraming binabayaran. Bawat galaw, gastos. Ngayon ay kailangan ko ng bilhin ang bigas samantalang noon ay ako mismo ang nagtatanim ng palay na aming kinakain.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest