Binabanatan ngayon si Presidente Gloria Arroyo ng kanyang mga kalaban sa politika. Wala raw siyang alam kundi makipag-sex.
Kasi, sa isang press conference ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), isang lady reporter ang nagtanong kung sa harap ng pagka-abala sa pagpapalakad ng pamahalaan ng Panguloy may panahon pa siya sa sex.
"Plenty" (sagana) ang walang kagatul-gatol niyang tugon kasunod ng malutong na tawa. Nabigla ang Pangulo. Hindi nakapag-isip. Hindi nakuro na bilang Presidente ng bansa, ang ganyang uri ng tanong ay kawalang-pitagan. At kung papatulan niya itoy parang inalipusta niya ang sariling tronong niluluklukan.
Bumawi ang Pangulo. Sinabing huwag gawing banner story ang kanyang active sex life. Bigyang diin aniya ang tungkol sa kanyang foreign policies. Too late. Sinakyan na ito ng oposisyon pati na ng militanteng sektor.
There are other good-humored manners to politely parry the question without being rude and unpresidentiable. Puwedeng sabihing "Talk to me in private and Ill give you an off the record answer."
Im sure matatawa rin ang kanyang audience pero hindi siya mapupulaan. Pero hindi ko sinisisi ang Pangulo. Ako man ang nasa lugar niyay baka mas masahol pa ang sagot ko. Post mortem analysis lang.
Pero di kaya "pain" ng mga political opponents ng Pangulo ang ganoong tanong at nagpagamit naman ang kawawang reporter to place the President on the spot?
Nagtatanong lang.