^

PSN Opinyon

GMA, huwag pumatol sa'palengkeng' tanong

- Al G. Pedroche -
KUNG presidente ka ng bansa, dapat ismarte kang sumagot sa maurirat na media. Sa mga tanong na dispalinghado at wala sa lugar, may paraan para sumagot nang hindi ka kahiya-hiya.

Binabanatan ngayon si Presidente Gloria Arroyo ng kanyang mga kalaban sa politika. Wala raw siyang alam kundi makipag-sex.

Kasi, sa isang press conference ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), isang lady reporter ang nagtanong kung sa harap ng pagka-abala sa pagpapalakad ng pamahalaan ng Pangulo’y may panahon pa siya sa sex.

"Plenty"
(sagana) ang walang kagatul-gatol niyang tugon kasunod ng malutong na tawa. Nabigla ang Pangulo. Hindi nakapag-isip. Hindi nakuro na bilang Presidente ng bansa, ang ganyang uri ng tanong ay kawalang-pitagan. At kung papatulan niya ito’y parang inalipusta niya ang sariling tronong niluluklukan.

Bumawi ang Pangulo. Sinabing huwag gawing banner story ang kanyang active sex life. Bigyang diin aniya ang tungkol sa kanyang foreign policies. Too late. Sinakyan na ito ng oposisyon pati na ng militanteng sektor.

There are other good-humored manners to politely parry the question without being rude and unpresidentiable
. Puwedeng sabihing "Talk to me in private and I’ll give you an off the record answer."

I’m sure
matatawa rin ang kanyang audience pero hindi siya mapupulaan. Pero hindi ko sinisisi ang Pangulo. Ako man ang nasa lugar niya’y baka mas masahol pa ang sagot ko. Post mortem analysis lang.

Pero di kaya "pain" ng mga political opponents ng Pangulo ang ganoong tanong at nagpagamit naman ang kawawang reporter to place the President on the spot?

Nagtatanong lang.

BIGYANG

BINABANATAN

BUMAWI

FOREIGN CORRESPONDENTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

KASI

NABIGLA

NAGTATANONG

PANGULO

PERO

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with