Kapangyarihan laban sa demonyo
October 11, 2002 | 12:00am
ISANG napakahalagang gawain ni Jesus ay ang magpalayas ng masasamang espiritu mula sa mga tao. Marami ang nanggigilalas sa kanyang kapangyarihan. Subalit sinasabi ng kanyang mga kaaway na nagpalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul o Satanas.
Nilinaw ni Jesus kung sa kaninong kapangyarihan siya nagpapalayas ng mga demonyo. Basahin natin ang kontrobersiya mula kay Lukas (Lk. 11:14-26).
Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at itoy nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. May iba namang nais siyang subukin, kayat nagsabi, Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo. Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kayat sinabi sa kanila, Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugan dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.
Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, itoy gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa sarili, Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan. Pagbabalik ay matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas siyang muli at magsasagawa ng pito pang espiritung masasama kaysa kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kayat sumasama kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.
Kapapalaya lang ni Jesus ang isang lalaki mula sa kapangyarihan ng demonyo. Marami ang naniwala na ang kanyang kapangyarihan ay mula sa Diyos. Subalit tulad na nang nabanggit ko sa itaas, matamang iginigiit ng kanyang mga kaaway na ang kanyang kapangyarihan ay nagmula kay Beelzebul sa demonyo mismo.
Sinasabi sa atin ni Lukas na nabasa ni Jesus ang kanilang mga isip. Kung kayat tahasan niyang sinabi sa kanila na masisira si Satanas kung si Satanas mismo ang nagbigay ng kapangyarihan kay Jesus na wasakin si Satanas. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay nagsasaad ng katigasan ng puso ng mga tao. Ang mga taong itoy hindi maliligtas. Ayaw nilang tanggapin ang kaligtasang dinadala sa kanila ni Jesus.
Ang panlilinlang ang paraan ni Satanas. Hindi kailanman ang katotohanan. Sinasabi ni Jesus na siya ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest