Hindi lang pagkain ang abokado. Pangunahin din itong herbal medicine. Ang nilagang dahon ng abokado ay mabisang gamot sa mga may rayuma. Ang pinakuluang balat ng abokado ay nagpapasigla sa daloy ng regla ng babae. Ang diarhea at constipation ay madali ring napapawi ng abokadong inilaga para inumin ng may nagrerebeldeng tiyan. Gaya ng kaymito, bayabas at iba pang mapapaklang prutas, mabisang panlinis ng sikmura ang abokado.
Ang bunga ng abokado ay ginagawa ring cosmetics, shampoo, lubricating cream at jell. Dahil sa taglay nitong Vitamin A ito ay pampalinis ng balat. Napatunayan na ang magulang na dahon ng abokado ay nagpapakinis ng kutis ng babae kaya itoy importante sa mga mahilig maging flawless