^

PSN Opinyon

Hindi lang pagkain ang abokado, gamot din ito

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa pinakamasustansiyang prutas ay ang abokado. Ito’y nagtataglay ng good cholesterol. Mayaman ang abokado sa calcium na kailangan para maging malusog at matibay ang mga buto at kasukasuan. Mayaman din ang abokado sa Vitamin A.

Hindi lang pagkain ang abokado. Pangunahin din itong herbal medicine. Ang nilagang dahon ng abokado ay mabisang gamot sa mga may rayuma. Ang pinakuluang balat ng abokado ay nagpapasigla sa daloy ng regla ng babae. Ang diarhea at constipation ay madali ring napapawi ng abokadong inilaga para inumin ng may nagrerebeldeng tiyan. Gaya ng kaymito, bayabas at iba pang mapapaklang prutas, mabisang panlinis ng sikmura ang abokado.

Ang bunga ng abokado ay ginagawa ring cosmetics, shampoo, lubricating cream at jell. Dahil sa taglay nitong Vitamin A ito ay pampalinis ng balat. Napatunayan na ang magulang na dahon ng abokado ay nagpapakinis ng kutis ng babae kaya ito’y importante sa mga mahilig maging ‘‘flawless’’

ABOKADO

BABAE

DAHIL

GAYA

MAYAMAN

NAPATUNAYAN

PANGUNAHIN

VITAMIN A

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with