Nagtakbuhan bigla ang limang bully sa 3rd year. Binuwal ang bata. Nagkalat ang mga libro sa sidewalk. Tumalsik ang salamin sa damuhan. Naawa si Jim. Tinulungan ang ka-batch na nakilalang si Rod. "Salamat nang marami," ani Rod na napawi ang lungkot sa mukha. Nalaman ni Jim na malapit lang sa kanila nakatira si Rod, pero ngayon lang nakilala dahil sa ibang school nag-elementary. Niyaya niya itong sumama sa party at basketball. Ang saya nila nung weekend. Naging magkaibigan agad.
Kina-Lunesan, nakita ni Jim si Rod papasok sa school na bitbit na naman ang tambak na libro. Biniro niya na pakitang-tao lang yon dahil nag-party at laro lang naman sila. Halakhak si Rod.
Nung 4th year na sila, panay ang tanungan nina Jim at Rod kung saan magka-college at anong kurso. Napiling valedictorian si Rod. Abala sa pagsusulat ng valedictory speech. Tinutukso ni Jim na buti na lang hindi siya ang kailangan umakyat sa entablado.
Graduation day, masayang humarap si Rod sa audience. Sabi niya na sa araw na yon, dapat pasalamatan lahat ng tumulong sa students makalusot sa high school. "Pero ako, magpapasalamat na nagkaroon ng isang best friend," ngiti niya.
Laking gulat ni Jim nang ikuwento ni Rod kung pano sila nagkakilala tatlong taon nang lumipas. Magpapatiwakal pala siya ng Biyernes na iyon. Inuuwi niya lahat ng libro sa locker para di na mahirapan ang nanay samsamin iyon. "Kung hindi ako tinulungan ni Jim at niyakag na magsaya noon, wala sana ako rito," ngiti niya sa kaibigan. Napapaluha pero bakas ang utang-na-loob sa titig ng mga magulang ni Rod kay Jim.
Isang munting tulong, buhay pala ang nailigtas.