Isang paboritong dasal
October 9, 2002 | 12:00am
SA simula ng aming mga seminar, hinihiling namin sa mga kalahok na ipakilala ang kanilang mga sarili at tinatanong namin sila kung ano ang kanilang paboritong dasal. Karamihan sa kanila ay isinasagot: Ama Namin.
Ang dasal na Ama, Namin ay itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad. Sa Ebanghelyo sa araw na ito, ibinibigay sa atin ni Lukas ang isang mas maikling bersiyon. Ang dasal na pamilyar sa ating lahat ay yaong nasa salaysay ni Mateo.
Minsan nananalangin si Jesus. pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad. Sinabi ni Jesus, Kung kayoy mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: Ama, sambahin nawa ang pangalan mo, magsimula na sana ang inyong paghahari. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.
Marahil ay ganito ang paraan ng pagdarasal ni Jesus. Kung kayat nang siyay tanungin ng kanyang mga alagad kung paano magdasal, itinuro niya sa kanila ang pagdarasal sa kanyang Ama.
Itala natin ang ilang mga punto. Una, hindi natin tinatawag ang Ama na Aking Ama kapag tayoy nagdarasal. Ang tawag natin sa kanya ay Ama namin. Ikalawa, pinupuri natin ang Ama bago ang lahat. Ang susunod, hinihiling natin na ang kanyang paghahari ay mapasaatin. Hinihiling natin na ang mga pinagkakaabalahan ng Diyos ang siyang maganap sa atin. Hinihingi natin na ang Ama ay maghari sa ating buhay.
Pagkatapos lamang ng mga nabanggit sa itaas at saka pa lang natin idudulog sa Ama ang ating mga pangangailangan. Hinihingi natin ang ating kinakailangan sa araw-araw. Hindi tayo humihingi ng para sa isang linggo o isang buwan. Tanging para sa araw na kasalukuyan lamang.
At hinihiling din natin na makapagbalik-loob tayo sa ating Ama. Humihingi tayo ng kapatawaran. At sinasabi natin sa Diyos, na ating Ama, na handa rin tayong magpatawad doon sa mga nagkasala o nagkamali sa atin.
Pagnilayan ang mga puntong ito. Makakatulong na dasalin ninyong mas taimtim at mas makabuluhan ang panalanging ito na itinuro sa atin ni Jesus. Mas maraming biyaya ang darating sa inyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest