Ang pagkakaroon ng thrombophlebitis ay dahil sa trauma o injury sa ugat. Kapag ang lining membrane ay napinsala, dito magsisimula ang pagkakaroon ng pamumuo ng dugo at mababawasan ang daloy ng dugo sa mga ugat.
Ang apektadong ugat ay nagiging matigas at animoy kordon at ito ang nagiging dahilan kaya makadarama ng kirot ang taong may thrombophlebitis. Lumulubha ang sakit kapag may varicose veins ang taong may thrombophlebitis. Pinalulubha rin ito kapag ang taong apektado ay naninigarilyo o di kayay iyong mga gumagamit ng oral contraceptives.
Ang paggamot sa thrombophlebitis ay ang pag-opera sa bahaging may clot. Isang paraan din para magamot ito ang pagsusuot ng firm at elastic stocking. Ipinapayo na ang mga taong mayroong thrombophlebitis ay ikilos nang ikilos ang kanilang mga legs lalo na kung nagpapahinga at iwasang mag-cross legs. Mas makatutulong kung itataas ang mga legs kung kayo ay nagpapahinga.
Ang mga non-steroidal anti-inflammatory drugs ay maaaring i-prescribed sa mga may thrombophlebitis. Ang paggaling sa sakit ay karaniwang nangyayari makalipas ang dalawang linggo.