^

PSN Opinyon

Huwag mag-cross legs kung may thrombophlebitis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MAAARING ngayon n’yo lamang narinig ang thrombophlebitis. Ito ay ang pamamaga ng wall ng ugat at ang pagkakaroon ng namuong dugo sa bahaging apektado. Ang namuong dugo ay hindi kaagad basta-basta naaalis at ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng thromboembolism.

Ang pagkakaroon ng thrombophlebitis ay dahil sa trauma o injury sa ugat. Kapag ang lining membrane ay napinsala, dito magsisimula ang pagkakaroon ng pamumuo ng dugo at mababawasan ang daloy ng dugo sa mga ugat.

Ang apektadong ugat ay nagiging matigas at animo’y kordon at ito ang nagiging dahilan kaya makadarama ng kirot ang taong may thrombophlebitis. Lumulubha ang sakit kapag may varicose veins ang taong may thrombophlebitis. Pinalulubha rin ito kapag ang taong apektado ay naninigarilyo o di kaya’y iyong mga gumagamit ng oral contraceptives.

Ang paggamot sa thrombophlebitis ay ang pag-opera sa bahaging may clot. Isang paraan din para magamot ito ang pagsusuot ng firm at elastic stocking. Ipinapayo na ang mga taong mayroong thrombophlebitis ay ikilos nang ikilos ang kanilang mga legs lalo na kung nagpapahinga at iwasang mag-cross legs. Mas makatutulong kung itataas ang mga legs kung kayo ay nagpapahinga.

Ang mga non-steroidal anti-inflammatory drugs ay maaaring i-prescribed sa mga may thrombophlebitis. Ang paggaling sa sakit ay karaniwang nangyayari makalipas ang dalawang linggo.

DUGO

IPINAPAYO

ISANG

KAPAG

KUNG

LUMULUBHA

PINALULUBHA

THROMBOPHLEBITIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with