^

PSN Opinyon

Editoryal - Sayang ang hirap at pagod

-
ANG pagkakatakas ng suspected drug trafficker na si Henry Tan sa Camp Crame noong Linggo ay masamang pangitain sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP). Hindi ito ang unang pagtakas na nangyari sa Crame. Ilang buwan na ang nakararaan, nakatakas din ang Pentagon leader na si Faisal Marohombsar kasama ang isa pang bilanggo. Napatay si Marohombsar may ilang linggo na ang nakararaan sa Cavite matapos lumaban sa mga awtoridad. Nilagari rin ni Marohombsar ang bakal na rehas sa bintana ng kulungan at inakyat ang pader. Ganyang-ganyan ang ginawa ni Tan kaya malayang nakalabas sa kulungan. Nalagari nang walang nakakakita ang rehas at inakyat ang pader. Presto.

Sinibak na sa tungkulin ang dalawang guwardiya. Ganito naman ang nangyayari kapag may nakatatakas. Siyempre ang guwardiya ang may kasalanan. Sa puntong ito, nararapat lamang ang balak ni House Minority Leader Gilbert Remulla na patawan nang mabigat na parusa ang mga guwardiyang matatakasan ng bilanggo. Sinabi ni Remulla na kung gaano kabigat ang parusa sa bilanggong nakatakas, dapat ay ganito rin ang ilapat sa mga guwardiya. Ang balak na ito ni Remulla ay halos katulad din nang naiisip ni Sen. Robert Barbers. Mabigat na parusa ang dapat sa mga pabayang guwardiya.

Walang leksiyon ang pamunuan ng PNP kahit na marami nang ulit nangyayari ang pagtakas. Bakit hindi inspeksiyunin ang mga selda ng bilanggo roon at tingnan kung ang mga rehas ng bintana ay madaling lagariin? May pagkukulang ang PNP sa puntong ito at marahil ay nakaliligtaan ang kanilang trabaho. O hindi na nila pinag-aaksayaan ito ng panahon sapagkat "pera-pera" na lamang ang katapat. Sa bansang ito, hindi na kataka-taka na ang mga mayayamang bilanggo ay nagiging "VIP" sa kulungan.

Dapat lamang na danasin ng dalawang guwardiya ang sakit ng kanilang ginawang kapabayaan. Naniniwala kami na may malaki silang partisipasyon sa pagkakatakas ni Tan. Paano nagkaroon ng lagaring bakal si Tan at paano ito nalagari ang rehas nang hindi namamalayan. Dapat ay maparusahan sila para hindi pamarisan.

Sayang lamang ang pagpapagod ng mga "mabubuting alagad ng batas" kung patatakasin din lamang. Sayang lamang ang pagsisikap kung ang lahat ay mauuwi sa wala. Hindi biro ang kasong kinasasangkutan ni Tan na nahulihan ng 350 kilo ng shabu. Kamatayan ang katapat na parusa. Ganito rin ang iparusa sa mga nagpatakas sa kanya.

vuukle comment

CAMP CRAME

DAPAT

FAISAL MAROHOMBSAR

GANITO

HENRY TAN

HOUSE MINORITY LEADER GILBERT REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with