Kapag ang isang smoker ay mapalapit sa isang hindi naninigarilyo, ang usok na kanyang ibubuga ay masisinghot din ng hindi naninigarilyo. Ito ang tinatawag na passive o secondary smoker. Ang paninigarilyo ang dahilan ng lung cancer, heart disease, emphysema at bronchitis.
Marami nang namatay sa emphysema na ang nikotina ay sinisira ang paligid ng baga. Nagpapalala rin ang paninigarilyo sa mga may ulcer, sinusitis at iba pang respiratory diseases.
Mapupuna na marami nang mga ospital, restaurant, sinehan, eskuwelahan, opisina at iba pang gusali na "smoke free" na. Sanay ang patakarang ito ay ipagpatuloy at huwag maging ningas-kugon. Madalas makakita ng "no smoking" sign sa mga bus, dyipni at taksi subalit sa umpisa lang masigasig at balewala na sa paglipas ng mga araw.