^

PSN Opinyon

JPE, tagapagtanggol ng 'killer-usok'

- Al G. Pedroche -
DATI’Y nangunguna si ex-senator Juan Ponce Enrile sa mga humahambalos kina First Gentleman Mike Arroyo at sa PR man na si Dante Ang kaugnay ng sinasabing "maanomalya’t eskandalosong" kontrata ng PIATCO.

Pero nang hamunin siyang maglabas ng ebidensya, bakit natameme yata siya? Okay lang ang ganyang mga banat. Natural iyan sa pulitika. Ang hindi ko maintindihan ay ang pagsalansan ni Mr. Enrile sa mga kumokontra sa operasyon ng mga coal-fired plants ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Bakit matigas ang pagtatanggol ni ex-senator sa mga plantang de-uling sa kabila ng pinsalang naidudulot ng mga ito sa kalusugan ng mamamayan?

There is now a snowballing movement by the people against these obsolete plants
dahil marami nang mamamayan ang nabiktima ng masamang usok ng mga ito. Mga taong dinapuan ng kanser sa baga o mga sakit sa balat na wala nang lunas.

Sa talino ni Mr. Enrile hindi ako maniniwalang hindi siya kumbinsido na nakapipinsala ang mga plantang de-uling na ito.

Katunayan, pandaigdig na ang krusada laban sa mga makalumang plantang ito.

Sa isang press conference kamakailan, tahasang sinabi ni Enrile na ang krusada laban sa mga coal plants at isang "orchestrated campaign" upang siraan ang uling bilang gatong sa mga planta ng kuryente.

Pero palagay ko’y wala nang maniniwala sa kanya.

Sa buong daigdig, idineklara na ang uling bilang "Environment Enemy No. 1". Natalakay na natin sa mga nakalipas na kolum kung bakit mapanganib ang mga plantang ito sa kalusugan.

Napanood na rin natin sa telebisyon ang mga dokumentaryo na tumatalakay sa mga nakalalasong elemento na ibinubuga ng mga coal fired plants tulad ng mercury at iba pang uri ng pollutants. Batay din sa mga siyentipikong pananaliksik, ang ganitong uri ng mga power plants ay nagdudulot ng acid rain na pumapatay sa mga halaman sa ating kapaligiran. Nakita rin natin sa TV ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga taong biktima ng "killer-usok" mula sa mga plantang ito.

Anuman ang nag-udyok kay Mr. Enrile na idipensa ang mga coal plants ay indikasyon ng posibilidad na may personal siyang agenda. Ano nga kaya ito?

DANTE ANG

ENVIRONMENT ENEMY NO

FIRST GENTLEMAN

JUAN PONCE ENRILE

MIKE ARROYO

MR. ENRILE

NATIONAL POWER CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with