Wala pa ring pagbabago sa Pasay City
October 2, 2002 | 12:00am
MUKHANG walang kakayahan si Pasay City Mayor Wenceslao Trinidad na iahon ang kanyang siyudad sa taguring Sin City kung ang patuloy na paglaganap ng video karera machines sa lugar niya ang gagawing basehan. Ang akala ng marami kasi eh tuluy-tuloy na ang paglilinis ni Trinidad ng mga bulok sa kanyang siyudad ng iutos niya ang malawakang kampanya laban sa video karera subalit nitong mga nagdaang araw ay nagsulputang muli ang mga makina sa ibat ibang sulok ng Pasay City. At ang masama pa niyan isinabit pa ng mga pulis na nakausap ko ang kapatid ni Trinidad na si Sonny na siya umano ang nagbigay ng basbas para manumballik ang video karera sa lungsod.
At ang nagpalakpakan sa pagbabalik ng video karera sa Pasay City ay ang mga adik dahil may palipasan na naman sila ng oras, di ba mga suki? At kahit panay ang bulgar ko na isang pulis na alyas Pura ang nasa likod ng pagbabalik ng naturang bisyo sa siyudad ni Trinidad ay hindi siya kumikilos. Magkano ba ha Sonny at Mayor Trinidad?
Wala rin palang pagbabagong makikita ang taga-Pasay dito sa liderato ni Trinidad. Ano ba yan? At maaring sabit din si Senior Supt. Oscar Catalan, hepe ng pulisya ng Pasay, dito sa operation ng video karera ni Pura, anang mga pulis na nakausap ko. Hindi kasi kayang mag-ope-rate ng isang gambling lord sa Pasay kapag walang basbas din ni Catalan, ayon pa sa kanila.
Sa kabuuan pala ay may 26 video karera machines itong si Pura sa Pasay. Eh kung kumikita lang siya ng palagay natin P500 kada makina sa isang araw, aba maliwanag na P13,000 ito sa isang linggo at tumataginting na P284,000 sa isang buwan. Aba, daig pa ni Pura ang suweldo ni Presidente Arroyo. He-he-he!
Bueno para matapos na ang kaligayahan ni Pura, ibibigay natin kina Mayor Trinidad at Sen. Supt. Catalan ang ilan sa mga puwesto ng video karera niya. Ang tanong lang ng mga pulis, kaya bang ipatigil nina Mayor Trinidad at Sen. Supt. Catalan ang video karera ni Pura eh maliwanag na may kumokolekta para sa mga opisina nila? Yan ang tanong na dapat sagutin ng dalawa.
May apat na makinang nakalatag si Pura sa Sto. Niño. May tig-dalawa sa M. dela Cruz, Tolentino St., at Rodriguez St., sa Malibay at sa looban sa tabi ng Ilog sa de las Alas St. at sa Gotamco St. Tig-isang makina naman sa bahay ng isang Boy Camote sa San Juan, sa 2nd floor sa Flores Tramo at malapit sa off-track ng karera sa eskinita sa Tramo, Buendia, sa putohan sa Tramo sa bahay ng isang barangay chairman na may bantay pang dalawang aso, sa Mariano St., sa Roy Sevilla, sa Perla St., malapit sa bookies ng karera ng isang Capt. Salvacion ng WPD, at sa likod ng kapilya sa Leveriza St. Ang taga-kubra pala ni Pura ng mga coins ay ang isang alyas Boy Sevilla alyas Bukbok, ang dagdag pa ng mga pulis na nakausap ko. Mapupuna na ang halos pinagpuwestuhan ng makina ni Pura ay mga lugar na maraming adik. He-he-he! Kaon siya ng malaki diyan dahil itong mga adik eh wala sa wisyo kung magsugal. Ibig kong sabihin balewala sa kanila ang matalo ang importante lang eh may palipasan sila ng oras. Di ba mga kosa? Isang malaking hamon para ke Trinidad itong patuloy na pamamayagpag ni Pura na maaring magsilbing balakid para sa pag-unlad ng kanyang siyudad. Kilos na Mayor Trinidad. Malapit na ang 2004 elections. Ikaw rin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended