^

PSN Opinyon

Editoryal - Hindi nakahanda ang PNP sa NPA

-
ANG sorpresang pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay isang police station sa Lopez, Quezon noong Biyernes ay nagpapakita lamang na hindi handa ang PNP. Dahil sa walang kahandaan, napatay ng mga rebelde ang police chief na si Supt. Cesar Santander at si SPO1 Nestor Santiago. Dakong alas-tres ng hapon nang sumalakay ang mga NPA at ang ilan dito ay naka-Barong Tagalog. Nagkunwaring magpa-file ng complaint ang naka-barong na NPA at nasorpresa na lamang ang mga pulis nang ulanin sila ng bala mula sa mga kasamahang nasa dyipni. Nasapol agad si Santander at si Santiago. Bagamat nakaganti ng putok ang mga pulis, nakatakas pa rin ang mga rebelde na walang naiulat na nasugatan o napatay.

Ang pagsalakay ay naisagawa sa kaliwanagan ng araw at walang natunugan ang mga PNP. Isang pagpapatunay na mahina ang intellegence network ng mga pulis. Walang nakaalam sa gagawing pagsalakay. Diumano’y ang puntirya ng mga NPA ay ang nakakulong nilang kasamahan sa nasabing police station. Nahuli ang rebelde noong nakaraang linggo at kinasuhan ng illegal possession of firearms.

Ang posibilidad ng pagsalakay ay dapat naisip na ng mga pulis sa nasabing station. Hindi sila nakatunog sa nakaambang panganib na nagdulot sa pagkamatay ng kanilang hepe at isang kasamahan. Nasorpresa sila sa kaliwanagan ng araw.

Sinabi ni Quezon Police Director Senior Supt. Roberto Rosales na magpa-file sila ng murder raps laban sa mga sumalakay na NPA. Ipa-file nila ang kaso sa Korte at sa Commission on Human Rights. Walang makapipigil sa PNP kung ganito ang kanilang gagawin. Ang tanong ay kung hanggang saan aabot ang pagpa-file ng kaso. Sa dami at tagal na ng ginawang pagsalakay ng mga NPA (hindi lamang sa PNP station) ay nagkaroon na ba ng katarungan ang kanilang mga nabiktima. Walang masama sa pagpa-file ng kaso pero may mas mabuting paraan pa rito. Ang maigting na operasyon sa mga sumalakay at dapat katulungin ang military para makubkob ang mga rebelde.

Dapat ding isisi ang matagumpay na pagsalakay ng NPA sa mahinang intelligence ng pulisya. Kung mahusay ang kanilang intelligence, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga rebelde na makapaghasik ng lagim. Palawakin sana ang intelligence ng PNP para hindi na masundan ang madugong pagsalakay. Idagdag na rin ang kakulangan sa baril na kamakailan lamang ay sinabi ni PNP chief Hermogenes Ebdane Jr. na isa sa problema ng pulisya. Lutasin sana ang mga problemang ito.

BARONG TAGALOG

CESAR SANTANDER

HERMOGENES EBDANE JR.

HUMAN RIGHTS

NESTOR SANTIAGO

NEW PEOPLE

NPA

PAGSALAKAY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with