^

PSN Opinyon

Ang toxic shock syndrome at subconjunctival hemorrhage

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
NAGKAKAROON ng toxic shock syndrome dahil sa toxins na inire-released ng staphylococcus bacteria sa mga ugat. Lumulubha ito sa pagkakaroon ng impeksiyon sa loob ng katawan o sa mga sugat dahil sa paggamit ng tampons. Kinakailangang maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos magsuot ng tampon ang mga kababaihan. Kinakailangan din na laging magpalit ng tampons madalas.

Pinaniniwalaang ang mga kabataang babae na ang immune systems ay hindi pa gaanong debelop ay nasa malaking panganib ng pagkakaroon ng toxic shock syndrome lalo na kapag ang tampon ay nailagay sa lugar nang matagal.

Ang sintomas ng syndrome ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng mataas na lagnat, diarrhea, pulang pantal sa balat, anxiety, pananakit ng ulo, pagbaba ng blood pressure, mental changes, confusion at pagkauhaw.

Kapag nakita ang mga nabanggit na sintomas sa isang tao, kinakailangan na kumunsulta siya sa doktor para sa kaukulang treatment. Kailangang maipasok sa ospital para sa wastong paggamot at pangangalaga.

Nararapat mag-take nang mataas na doses ng antibiotics especially penicillin at cephalosporin. Kailangan din ng fluids at electrolytes hanggang sa ang mga sintomas ay tuluyang mawala. Magagamot ang sakit na ito kung madaling maaagapan subalit maaaring magdulot din ng kamatayan sa ibang kaso.

Sa kabilang dako, ang subconjunctival hemorrhage naman ay ang pagdurugo sa ilalim ng lining ng eyelid na tinatawag na conjunctiva at ganoon din sa puti ng mga mata. Karaniwan nang apektado ng sakit na ito ay ‘yung mga nasa middle-aged o matanda sapagkat ang kanilang blood vessels ay nagiging fragile. Makikitang ang puti ng mata ay magiging mapula sanhi ng pamamaga o injury. Walang treatment na isinasagawa rito sapagkat kusang nawawala pagkalipas ng ilang araw.

KAILANGAN

KAILANGANG

KAPAG

KARANIWAN

KINAKAILANGAN

KINAKAILANGANG

LUMULUBHA

MAGAGAMOT

MAKIKITANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with