Tindang bigas ng 20 'Gloria Labandera' store nahuling ibinibenta ng congressman
September 28, 2002 | 12:00am
Alam nyo bang isang organisasyon na pinamumunuan ng isang congressman ang nahuli kamakailan dahil ibinebenta sa mga rice traders ang mga bigas na paninda ng Gloria Labandera Rolling Stores?
Ayon sa aking bubuwit, 89 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Rep. Carlos "Martilyo Gang" Padilla ng Nueva Vizcaya; Rep. Jing Paras ng Negros Oriental; Rep. Abdullah Mangotara ng Lanao del Norte at Rep. Rodolfo San Luis ng Laguna.
Alam nyo bang hinuli ang 20 Gloria Labandera Rolling Stores dahil ibinebenta pala sa mga rice traders ang kanilang mga panindang bigas?
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman ay merong organisasyon ng mga magsasakang negosyante na mayroong permiso sa National Food Authority (NFA) para mag-operate ng 45 Gloria Labandera Rolling Stores sa Bulacan.
Ngunit, ang mga ito ay nahuli ng mga imbestigador ng NFA sapagkat hindi naman pala ipinagbibili sa mga mahihirap ang mga bigas kundi sa mga rice traders.
Sa 45 Rolling Stores, hinuli ang 20 sasakyan na pinamamahalaan ng mga barkada ni Congressman.
Hanep ka naman Congressman, pati ba naman ikaw ay pumapatol sa mga ganyan?
Paano na lamang Congressman kung tuluyan nang mapasakamay ng grupo mo ang pag-iimport ng bigas? Eh di hamak na mas malaki ang delihensiya riyan?
Ayon sa aking bubuwit, nakakuha ng permiso na mag-operate ng rolling stores ang grupo ni Congressman, dahil kaibigan niya ang isang mataas na opisyal ng NFA.
Ang opisyal na ito ay mas mataas pa kaysa kay Administrator Anthony Abad na nagbitiw kamakailan.
Ngunit sa halip na pagsilbihan o bentahan ang mga mahihirap ng mga murang paninda at bigas, inire-repack ng mga alipores ni Congressman ang rice allocation ng 20 rolling stores at ibinebenta sa mga negosyante.
Aba, dapat nang alisin ang pangalan ni President Gloria Macagapal-Arroyo sa mga rolling stores ni Congressman kung gagamitin din lang sa kalokohan. Nasisira lamang ang kanyang pangalan, katulad sa paggamit sa pangalan ng kanyang tatay na si Pres. Diosdado Macapagal sa maanomalyang kalsada sa reclamation area sa Pasay City.
Ayon sa aking bubuwit, nahuli ang kalokohan ni Congressman kaya suspendido ngayon ang kanilang lisensiya na mag-operate ng Gloria Labandera Rolling Stores.
Ngayon ay galit na galit si Congressman sa mga tauhan ng NFA kung bakit hinuli ang 20 rolling stores.
Hindi na raw siya iginalang samantalang siya ay miyembro ng Kongreso.
Kaya ang pinagbubuntungan niya ngayon ng galit ay si dating NFA Adm. Abad sapagkat hindi raw siya tinulungan.
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na nahuling nagda-divert ng bigas na tinda ng Gloria Labandera Rolling Stores ay si ...
Grabe, sa halip na ibenta sa murang halaga ang mga bigas para sa mahihirap ay ipinagbibili pala sa mga negosyante.
Di ba ito rin ang style ng ibang kongresista noon?
Yung kanilang pork barrel ay ibinili ng NFA rice subalit pinera naman at ibinenta sa rice traders.
Ang congressman na nahuling nagda-divert ng bigas ng mga rolling stores ay si Congressman Dighay.
Ayon sa aking bubuwit, 89 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Rep. Carlos "Martilyo Gang" Padilla ng Nueva Vizcaya; Rep. Jing Paras ng Negros Oriental; Rep. Abdullah Mangotara ng Lanao del Norte at Rep. Rodolfo San Luis ng Laguna.
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman ay merong organisasyon ng mga magsasakang negosyante na mayroong permiso sa National Food Authority (NFA) para mag-operate ng 45 Gloria Labandera Rolling Stores sa Bulacan.
Ngunit, ang mga ito ay nahuli ng mga imbestigador ng NFA sapagkat hindi naman pala ipinagbibili sa mga mahihirap ang mga bigas kundi sa mga rice traders.
Sa 45 Rolling Stores, hinuli ang 20 sasakyan na pinamamahalaan ng mga barkada ni Congressman.
Hanep ka naman Congressman, pati ba naman ikaw ay pumapatol sa mga ganyan?
Paano na lamang Congressman kung tuluyan nang mapasakamay ng grupo mo ang pag-iimport ng bigas? Eh di hamak na mas malaki ang delihensiya riyan?
Ang opisyal na ito ay mas mataas pa kaysa kay Administrator Anthony Abad na nagbitiw kamakailan.
Ngunit sa halip na pagsilbihan o bentahan ang mga mahihirap ng mga murang paninda at bigas, inire-repack ng mga alipores ni Congressman ang rice allocation ng 20 rolling stores at ibinebenta sa mga negosyante.
Aba, dapat nang alisin ang pangalan ni President Gloria Macagapal-Arroyo sa mga rolling stores ni Congressman kung gagamitin din lang sa kalokohan. Nasisira lamang ang kanyang pangalan, katulad sa paggamit sa pangalan ng kanyang tatay na si Pres. Diosdado Macapagal sa maanomalyang kalsada sa reclamation area sa Pasay City.
Ngayon ay galit na galit si Congressman sa mga tauhan ng NFA kung bakit hinuli ang 20 rolling stores.
Hindi na raw siya iginalang samantalang siya ay miyembro ng Kongreso.
Kaya ang pinagbubuntungan niya ngayon ng galit ay si dating NFA Adm. Abad sapagkat hindi raw siya tinulungan.
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na nahuling nagda-divert ng bigas na tinda ng Gloria Labandera Rolling Stores ay si ...
Grabe, sa halip na ibenta sa murang halaga ang mga bigas para sa mahihirap ay ipinagbibili pala sa mga negosyante.
Di ba ito rin ang style ng ibang kongresista noon?
Yung kanilang pork barrel ay ibinili ng NFA rice subalit pinera naman at ibinenta sa rice traders.
Ang congressman na nahuling nagda-divert ng bigas ng mga rolling stores ay si Congressman Dighay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended