^

PSN Opinyon

Malalaswang pelikula bumabalik na

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NOONG si Armida Siguion-Reyna ang chairperson ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB), maraming sex films ang kinondena ng ilang grupong makabayan at Simbahan. Ayon sa mga moralista, ang mga pelikula ay pornography. Mga rally at pagbatikos sa print, radio at TV ang ipinukol sa "Scorpio Nights 2’’, ‘‘Sutla’’, at marami pang iba.

Nag-lie low ang mga producers at makalipas ang ilang taon balik na muli ang mga sex films. Marami ang nagtataka kung bakit pinahintulutan ng kasalukuyang Censor chief ang mga pelikula na sa titulo pa lang ay suggestive na gaya ng ‘‘Bakat,’’ ‘‘Gamitan,’’ ‘‘Laman,’’ ‘‘Prosti’’ at ‘‘Tukaan."

Ayon sa isang kaibigang movie reporter may sinusyuting na pelikula na ang pamagat ay ‘‘Mapaglarong Daliri.’’ Ayon pa rin sa reporter, isang pelikula na naglunsad sa isang bagong sex symbol ang may mga eksenang nagtatalik sa loob ng cabinet at tricycle.

Bakit nakalulusot ang mga pelikulang ganito? Nabago na ba ang panuntunan ng MTRCB kaugnay sa malalaswang panoorin? Ano ang ginagawa ng mga socio-civic religious groups at tahimik sila ngayon at pinababayaang magpalabas ng mga pelikulang yumuyurak sa dangal ng Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

Mayaman ang sining at kultura natin. Maraming makabuluhan at may relevance na paksa na dapat isapelikula kaysa malalaswa.

ANO

ARMIDA SIGUION-REYNA

AYON

BAKAT

BAKIT

GAMITAN

MAPAGLARONG DALIRI

MOVIE AND TELEVISION REVIEW CLASSIFICATION BOARD

SCORPIO NIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with