Hindi dapat palampasin ang kagaguhan ni Wang
September 26, 2002 | 12:00am
BILIB ako sa aking kababayang si Justice Sec. Hernando Perez. Nakuha pa niyang maging mahinahon kahit na winawalanghiya na. Binastos siya ni Chinese Ambassador Wang Chunggi sa opisina niya mismo.
Ayon kay Perez, si Wang ay nagsisipa, nagmumura at halos guluhin ang opisina niya nang ayaw siyang pumayag sa kahilingan nito na pakawalan kaagad ang 122 Intsik na nahuling nangingisda sa Spratlys. Ipinaliwanag ni Perez na kailangang dumaan sa nararapat na proseso bilang pagtupad sa batas ng Pilipinas.
Ala, eh, sa Batangas ay hindi puwedeng mangyari ang ginawa ng bastos na si Wang. Uupakan yan doon. Ang mga Batangueño ay masunurin at tahimik lamang na minsan pa nga ay napagkakamalan pang dungo o tatanga-tanga. Ngunit kapag winalanghiya aba, eh baka maghalo ang balat sa tinalupan. Ala, eh, ang Batangueño ay hindi maaaring pagyabangan.
Masuwerte pa rin ang hinayupak na embahador sapagkat nakapagtimpi si Perez. Marahil naisip na rin niya na bilang isang Justice Secretary, ayaw niyang siya pa ang pagmulan at maging dahilan ng maaaring lumaking kaguluhan sa pagitan ng China at Pilipinas. Kaya minabuti na lamang niya na huwag na lamang maging personal ang pakikipagtuos kundi daanin na lamang sa ngalan ng batas.
Subalit hindi dapat palampasin ang kagaguhan ni Wang. Dapat lamang na maghain ng protesta ang ating bansa sa masama niyang inasal. Kasuhan na rin ang 122 illegal Chinese fishermen upang huwag nang tularan pa ng ibang dayuhan. Sana ay huwag nang magpakaang-kaang pa si Ka Blas Ople at ang ating pamahalaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest